Sofia Andres, sayang kung ‘di maaalagaan

Sofia Andres, sayang kung ‘di maaalagaan

Sofia-AndresKUNG AALAGAAN lang nang mabuti ng Star Magic itong si Sofia Andres, posibleng maging malaking artista rin siya tulad ng ibang youngstars na kanilang alaga.

Malaking papel ang kanyang ginagampanan sa Forevermore bilang third party ng tambalang Liza Soberano at Enrique Gil.

Una siyang tinambal kay Iñigo Pascual sa pelikula at doon nakitang malaki ang kanyang potential to become a big star.

Sana lang hindi siya mapabayaan.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!