Sofia Andres, nasa cloud 9 pa rin

Sofia Andres, nasa cloud 9 pa rin

Sofia-AndresUNTIL NOW ay hindi pa rin daw nakage-get over ang ABS-CBN star na si Sofia Andres nang magwagi ito kamakailan sa Star Awards For Movies for Best New Female Movie Actress para sa pelikulang Relaks, It’s Just Pag-ibig.
Kuwento nga ni Sofia, “Ilang linggo na ‘yung nakalipas, pero honestly speaking, hindi pa rin ako maka-get over sa pagkapanalo ko.
“Kahit sino naman siguro ganu’n ang magiging feelings after winning. Iba kasi ‘yung sarap na nararamdaman pagkatapos mong manalo, para kang nasa cloud nine, lalo na’t first award ko ‘to.
“Ako kasi, dream ko rin na manalo ng award at katuparan ng pangarap ko na nanalo ako. Alam ko naman na lahat ng artista umaasa na magka-award kaya nga ang suwerte ko, kasi nakaisa na ako,” ani Sofia.

John’s Point
by John Fontanilla