Sofia Andres, magbibida na sa teleserye sa Dos

ADVERTISING

Sofia Andres, magbibida na sa teleserye sa Dos

Sofia-AndresAMOST THREE years daw ang pinaghintay ng isa sa maituturing na mahusay na teen actress sa bansa sa kanyang henerasyon na si Sofia Andres para magkaroon ng sariling serye at ngayon ay matutupad na, dahil by November ay gigiling na raw ang kamera ng kanyang pagbibidahang soap.

ADVERTISING

Ayaw pang idetalye ng PMPC Best New Movie Actress 2014 at German Moreno Youth Achievement Awardee 2015 na si Sofia kung sinu-sino ang kanyang magiging leading man sa said soap, pero dalawang Kapamilya actors daw ang nakatakda niyang makasama rito.

May temang drama/love story ang serye na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN na nakatakdang ipalabas sa pagpasok ng January 2016, pero by November daw ay magsisimula na silang mag-taping.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING
ADVERTISING