Socialite Eduard Bañez, sang-ayon sa “block issue” ng mga kaibigang Jobert Sucaldito at Arnell Ignacio

ADVERTISING

Socialite Eduard Bañez, sang-ayon sa "block issue" ng mga kaibigang Jobert Sucaldito at Arnell Ignacio

Arnell Ignacio, Jobert Sucaldito & Eduard Bañez
Arnell Ignacio, Jobert Sucaldito & Eduard Bañez

Naaliw ang Net 25 newscaster, Philippine socialite, at produkto ng Star Magic na si Eduard Bañez kina Arnell Ignacio at Jobert Sucaldito. Parehong malapit sa puso niya ang dalawang ito.

Nag-post  si Jobert sa kanyang Facebook account ng, “I am sorry about that but I had to block you dear friend Arnelli Ignacio dahil sa sobrang pagka-OA mo sa pagdi-defend sa idolo mong si Duterte.

“Kahit mali, pilit mong tinatama. Ayokong mandiri sa iyo kaya for us to remain friends, might as well block you para ‘di ako mabuwisit. Mas makabubuting huwag kitang mabasa sa mga opinyon mo, kaysa habambuhay tayong manggigil sa isa’t isa. Tama naman, ‘di ba?”
Sumagot naman si Arnell sa kanyang Facebook account ng, “To my dear friend Jobert Sucaldito. Nauunawaan ko. Lam ko maiinis ka sa pag-defend ko kay President Duterte but I know you know how strongly I stand up for what I believe in and fiercely I believe in the President’s national resolve. Kaya mas ok nga yun. But of course we will remain friends in a platform more genuine than Facebook. Labs you my friend. Basta sa text naman hindi ako blocked, ‘di ba? Hehehe.”
Dagdag pa ni Arnelli, “Mahal ko ‘yang si Jobert kaya kahit yung “buwisit” niya sa akin, nirerespeto ko rin.  Ganyan lang talaga buhay namin. Si Nanay Cristy at Jobert e, matagal na pinagsamahan namin. Kaya kapag galit sila e, mahal ko pa rin sila.

“Mahal ko talaga ‘yang si Jobert. parang Duterte rin ‘yan sa tapang. E, ako bargas din eh, pero kapag mahal ko e, sige lang. Mas nangingibabaw ‘yun. Parte ng buhay. After niyan, kita mo mas sweet pa kami,” sambit pa ni Arnelli.

ADVERTISING

“Friendship still remains… Jobert Sucaldito and Arnell  Ignacio. Parang separation lang ng church and state ang peg..hehehe love you both. You are both very intellectual in terms of entertainment and politics.. Kasabihan nga friendship and bussiness should be separate. :-),” post  naman ni Eduard Bañez sa Facebook niya,

Agree din si Eduard sa ‘block’  issue sa kanila. Ang importante ay nagkakaunawaan sila sa isa’t sa at nandiyan ang respeto. Go lang daw kung ano ang gusto ng bawat isa at i-enjoy lang ang buhay. Very realistic daw ang nangyari. Ang mga honest na tao gaya ni Jobert lang daw ang makagagawa ng ganyan.

Pak!

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING