Sobrang inspired
Gerald Anderson, parehong maganda ang takbo ng lovelife at career

ADVERTISING

Sobrang inspired<br>Gerald Anderson, parehong maganda ang takbo ng lovelife at career

Sobrang inspired<br>Gerald Anderson, parehong maganda ang takbo ng lovelife at careerGERALD ANDERSON is in high spirits these days. At bakit naman hindi? Parehong maganda ang takbo ng kanyang lovelife at career. Nabunutan na siya ng tinik sa dibdib after admitting that he and Maja Salvador are now officially a couple. Sabi nga niya sa The Buzz, hindi na dapat itinatago pa ito para sa kapayapaan ng lahat. Although Gerald and Maja are still mum about other details of their relationship, makikita mong masaya sila sa piling ng isa’t isa.

Isa pa sa nagbibigay-inspirasyon ngayon kay Gerald ay ang kanyang memorable experience sa 66th CanSobrang inspired<br>Gerald Anderson, parehong maganda ang takbo ng lovelife at careernes Film Festival in France where his movie ‘On the Job’ (OTJ) was included in the Directors’ Fortnight section of the festival. Kasama niyang um-attend sa movie screening sina Piolo Pascual, Rayver Cruz, at Joel Torre. According to reports, the action thriller received a standing ovation from the audience. Katuparan ito ng kanyang pangarap na i-represent ang Pilipinas sa world arena. “Mainit iyong pagtanggap sa abroad, sana rito rin. Sobrang proud lang ako bilang isang Pinoy kasi ni-represent ko iyong Pilipinas.”

Ayon pa sa artikulo ni Krissa Donida sa push.com.ph, lalo raw na-inspire si Gerald na pagbutihin ang kanyang pag-arte dahil sa Cannes. “Sobrang saya. Sabi ko nga kay Rayver (Cruz), ‘Ray, balik na tayo sa ‘Pinas, gusto ko nang mag-taping’ dahil mas inspired ako bilang isang aktor,” sabi ni Gerald.

After Budoy ay muling mapapanood si Gerald sa kanyang bagong Kapamilya teleserye, ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin, kung saan niya makakasama sina Dawn Zulueta, Dina Bonnevie, Tonton Gutierrez, Cristine Reyes, at Rayver. Excited na si Gerald sa kanyang new project. “We’re all very excited. May shinoot akong isang eksena na sobrang drama action-packed, so sana abangan ng marami iyon.”

ADVERTISING

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING