Soap opera nina Jane Oineza at Loisa Andalio, nakuha ang pinakamataas na rating

Soap opera nina Jane Oineza at Loisa Andalio, nakuha ang pinakamataas na rating

Jane-Oineza-Loisa-AndalioABOT-TENGA ang ngiti ngayon ng cast ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita na pinangungunahan nina Jane Oineza, Joshua Garcia, Jerome Ponce, at Loisa Andalio dahil last Friday (May 1) ay nakuha ng programa ang pinakamataas nilang rating sa afternoon block na umabot ng 16.5%.

Lumamang ito sa katapat na programang Yagit ng GMA-7 kaya masayang-masaya ang cast.

Sa text sa amin ng humahawak sa promo ng NKNKK, simula rin ngayong Miyerkules (May 6) ay may malaking pagbabagong mangyayari sa show. Kung ano raw ‘yon ay dapat abangan ng televiewers.

Napanonood ang Nasaan Ka Nang Kailangan Kita na pinagbibidahan din nina Vina Morales, Denise Laurel, at Christian Vasquez sa Kapamilya Gold pagkatapos ng Flordeliza.

La Boka
by Leo Bukas