SO HOT! Kylie Padilla at Andrea Torres mainit ang halikan sa BETCIN

KUNG LAST YEAR ay naglipana ang mga Boy Love o BL series sa Pilipinas, mukhang ngayon naman ay mag-uumpisa na rin mamukadkad ang Girl Love o GL series.

Inaabangan na ngayon ng mga Kapuso at WeTV viewers ang pagtatambal nina Kylie Padilla at Andrea Torres sa upcoming Girl Love series na ‘Betcin‘, na mapapanood na sa WeTV app simula ngayong Oktubre.

SO HOT! Kylie Padilla at Andrea Torres mainit ang halikan sa BETCIN
Andrea Torres and Kylie Padilla hot kissing scene for ‘Betcin’

Two months ago ay naging usap-usapan na sa social media ang patikim ng ‘Betcin’ kung saan sweet-sweetan ang dalawa sa kanilang mga larawan as Beth and Cindy. Base sa napanood namin na hot trailer ng soon-to-be trending series ay kuwento ito ng lesbian lovers na susubukin ng isang online contest ang tatag ng kanilang pagmamahalan sa isa’t isa.

On a personal note, ’tila parehong brokenhearted ang dalawa with their past very public relationships with men: Si Kylie Padilla ay hiwalay na sa asawang si Aljur Abrenica dahil diumano sa third party at bumukod na ito ng bahay kasama ang kanilang dalawang anak, habang si Andrea Torres naman ay nakipaghiwalay na kay Derek Ramsay late last year.

SO HOT! Kylie Padilla at Andrea Torres mainit ang halikan sa BETCIN
Kylie Padilla and Andrea Torres

Both loving hearts were broken by men. Is there any chance na kahit in real life ay mahanap nila ang ‘happily ever after’ sa piling ng isa’t isa?

Habang sure kami na marami ang nagpapantasya lalo na kapag mapanood ang mapangahas na trailer ng Betcin kung saan may intense kissing scene na ang dalawa ay magiging open kami sa mga posibilidad. O divah?!