SO HOT! Gerald Anderson at Ivana Alawi, tinodo ang lampungan sa ‘A Family Affair’

NAPAPANOOD NA ngayon gabi-gabi ang ‘A Family Affair‘ na pinagbibidahan ng sexy actress/vlogger na si Ivana Alawi. Pagkatapos ng ilang taon na paghihintay ng kanyang fans ay natuloy na rin sa wakas sa pagbibida sa teleserye ang aktres. Ang bonus pa ay hindi lang basta isa o dalawa ang leading men niya. Sina Gerald Anderson, Sam Milby, Jake Ejercito at Jameson Blake lang naman ang apat na barako na nagkakandarapa sa beauty niya, huh!

SO HOT! Gerald Anderson at Ivana Alawi, tinodo ang lampungan sa 'A Family Affair'
Gerald Anderson and Ivana Alawi’s steamy scene in ‘A Family Affair’

Bago pa ipinalabas ang programa ay naging usap-usapan na ang love scene nina Gerald Anderson at Ivana Alawi na halos ‘Netflix level’ na raw sa kainitan. Napatanong pa nga raw ang aktor kung papayagan ba ang ganoong klaseng eksena.

Ngayon ay inilabas na ang highly anticipated episode and what can we say? Super hot nga! Kitang-kita mo how passionate the two are as Paco and Cherry na mapapa-sana all ka na lang talaga!

With the evident chemistry of these two, hindi na kami magtataka kung sooner or later ay magkakaroon na rin sila ng sexy drama movie. Naalala namin ang paborito naming ‘Always Be My Maybe’ kung saan nakakapaso ang chemistry nina Arci Munoz at Gerald Anderson kahit in reality ay wala naman namagitan sa kanila ever. Ma-replicate kaya ng Gerald-Ivana ang hot chemistry na iyon?

Anyway, ano kaya ang masasabi ni Julia Barretto rito? For sure hindi ito big deal para sa real-life girlfriend ni Gerald dahil meron din siyang upcoming sexy movie na ‘Expensive Candy’ kung saan si Carlo Aquino naman ang kanyang kapares.

Sa mga nakamiss sa eksenang iyon, panoorin na now na!

Previous articleRose Van Ginkel at Marco Gallo, pinatunayan ang pagiging aktor sa ‘Kitty K7’
Next articleVLOG WATCH: Charlie Dizon lets her followers control her day!