SO HAPPY TOGETHER: Arjo Atayde at Maine Mendoza

ADVERTISING

SO HAPPY TOGETHER: Arjo Atayde at Maine Mendoza

SO HAPPY TOGETHER: Arjo Atayde at Maine Mendoza
Maine Mendoza and Arjo Atayde

HAYAAN natin ang mga bashers nina Arjo Atayde at Maine Mendoza na until now ay ipinagsisiksikan pa rin nila si Maine Mendoza kay Alden Richards.

ADVERTISING

Move-on. Ang dami na mga kaganapan simula nang maging close ang dalawa sa shooting ng Metro Manila Film Festival 2018 entry nina Coco Martin at Bossing Vic Sotto na Jack ‘em Popoy: The Puliscredibles kung saan kasama ng dalawa sina Maine at si Arjo (playing kontrabida kay Coco).

Mula ng mapabalita ang bakasyon ng dalawa sa Bali, Indonesia kung saan during Arjo’s asalto (ang sabi, sa araw na ito sinagot ng dalaga ang aktor ng kanyang matamis na ‘Oo”, tila sunod-sunod na ang mga sightings sa dalawa.)

Ungot ng mga grupong ampalaya na hindi daw bagay sina ArMaine (tawag ng mga supporters nina Arjo at Maine sa kanila).

ADVERTISING

Sinasabi din na ginagamit ni Arjo si Maine para sumikat which I disagree dahil Arjo has his own career even before Maine at isa siyang aktor na hindi kailangan ng gimmick para mapagusapan. Arjo is a star in his own right that needs no gimmick for publicity purposes.

Kaya nga ang “real life” tambalan nina Arjo at Maine ay hindi masyadong palasak dahil both want their “special friendship” to be private na sila lang and personal friends nila ang nakakaalam ng detalye.

Sa katunayan, pareho ang sagot nina Arjo at Maine sa magkahiwalay na kaganapan nang tanungin sila pareho kung kamusta ang mga lovelife nila without naming Arjo and Maine sa tinutukoy na ka-lovelife.

Say ng aktor: “Masaya po. Masaya ako,” sagot ng ni Arjo nang matanong ang estado ng kanyang buhay pag-ibig. Hindi man pinangalanan ng aktor kung sino ang nagpapasaya sa kanya, alam ng mga malalapit na kaibigan ng aktor kung sino ang masuwerteng dalaga.

Sa isang interbyuhan kay Maine sa set ng kanyang sitcom with Bossing Vic sa Kapuso Network, nagpahayag siya na kung sakali na magka-boyfriend man siya, gusto niya maging private ang detalye ng relasyon niya na halos pareho ng sagot ni Arjo nang minsan matanong namin siya bago pa man pumasok si Maine sa eksena a couple of years ago.

Kung sakali pumasok man si Maine sa isang relasyon with a showbiz or non-showbiz guy, hindi niya ipagmamaramot ang ilang mga detalye ng lovelife kahit gustuhin man niya maging private dahil hindi siya magiging maramot sa mga fans at supporters niya.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING