Snooky Serna, kahit nanay na ang role, kailangan pa rin daw alagaan ang sarili para magmukhang bata

ADVERTISING

Snooky Serna, kahit nanay na ang role, kailangan pa rin daw alagaan ang sarili para magmukhang bata

Snooky-SernaIKINAGULAT NG press ang tila hindi tumatandang hitsura ni Snooky Serna. Kahit na ilang dekada na siyang nasa showbiz ay hindi kumukupas ang ganda.

Dahil sa hitsura na minana pa raw niya sa kanyang magulang, partikular sa kanyang ina, super thankful si Snooky sa inang si Mila Ocampo dahil sa good genes nito.

Bukod pa sa nakuhang genes sa ina, maalaga rin daw si Snooky sa kanya sarili, dahil alam niyang puhunan ng mga artista ang kanilang hitsura.

“My late mom really has good genes. Even when my mom was 50 years old na, she still looked like she was only 40 years old. Thankful ako, namana ko ‘yun from her. But I don’t rely on that alone. Kailangan ko ring alagaan ang sarili ko. Mga artista ngayon, they are getting younger every year. Natural na patanda nang patanda ang mga roles naming mga veterans na kung tawagin. Salamat sa mga doctor ngayon dahil they keep us young looking pa rin. Hindi naman porke’t mother role ka lang, kailangang maging losyang ka na. We all need to look good because we deserve it,” pagdidiin ni Snooky.

ADVERTISING

Si Snooky ang gaganap na mother ni Dennis Trillo sa primetime teleseryeng My Faithful Husband ng GMA 7.

“It’s my first time to work with Dennis in a TV series. Pero sa movies, nakasama ko na siya sa ‘You’re Still The One’ at sa ‘Ang Sugo’. Dennis has his own style of acting. Tsaka tahimik siya. Alam mong malalim siyang tao. Kapag trabaho na, nagugulat na lang kami sa ipinakikita niyang performance. He is a very good actor,” pagtatapos ni Snooky.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING