Slow but sure sa kanyang career: Yana Asistio, wish maging sirena sa susunod na pelikula!

ADVERTISING

Slow but sure sa kanyang career: Yana Asistio, wish maging sirena sa susunod na pelikula!

Slow but sure sa kanyang career: Yana Asistio, wish maging sirena sa susunod na pelikula!
Yana Asistio

HAPPY si Yana Asistio sa pagkakasama niya sa pelikulang “Woke Up Like This” as one of Lovi Poe’s sidekick (kasama si Cora Waddell) dahil sa magandang resulta ng movie nila.

 
Aminado siya na hindi pa siya magaling sa timing pagdating sa comedy, pero naitawid niya ang role as Chachi. She’s Sabrina’s stylist played by Lovi Poe and is part of the squad girls.
 
Kung minsan nga, dahil beauty ang dalaga, napapagkamalan siya sa kapatid na si Yna Asistio na isa ring artista na dating girlfriend ni Mark Herras dahil halos magkamukha sila.
 
Sabi ko nga kay Yana, baka mahirapan siya makilala lalo pa’t mas nauna si Yna sa showbiz at may kasabihan nga na mahirap umangat at makilala sa magkapatid na sabay pumasok sa showbiz. Ikaw nga, ang isa sa kanila ay magsa-suffer ang career at mapag-iwanan at hindi sisikat.
 
Pero hindi takot si Yana sa kasabihan. May sagot siya:
 
“Sumikat man po ang isa sa amin or hindi, I will always be proud of my siblings. As long as nagwu-work ako and nakakatulong sa family ko, masaya po ako sa ginagawa ko. Wala na po akong iba pang request. Pero syempre, alam namin kung will ni God na pasiktan po kaming lahat mas okay po,” paliwanag ng dalaga.
 
Sa victory party, ang pretty ni Yana sa ayos niya.
 
Kung mapagbibigyan na magkaroon din ng sarili niyang solo movie, wIsh niya na magkaroon ng dual role (identical twins na role). Yong isang bad at isang good girl. At syempre, bilang dalaga, every one wishes to be a mermaid sa mga pelikula nila in one way or the other.
 
Slow but sure sa kanyang career: Yana Asistio, wish maging sirena sa susunod na pelikula!
The Girls of Woke Up Like This: Cora Waddell, Yana Asistio and Dionne Monsanto

Inspirasyon ni Yana ang kanyang ina na si Nadia Montenegro na very supportive sa kanya.           

 
“Si Mommy, all out ang support sa akin. Kahit sa lovelife ko, basta disente at respetado ang guy, walang problema as long it helps me grow as a person,” sabi ng dalaga.
 
Si Yana may boyfriend. Hindi niya inililihim. “Yes I have a boyfriend po. Non-showbiz po. And I appreciate the kind of support and respect he gives po sa work ko.
 
Ang ugali na gusto niya sa lalaki ay: “Loving, family oriented, may respeto sa babae. Takot kay God. Tanggap ako. Funny, matangkad and someone who thinks about his future.”
 
Paniwala ni Alyana: “To get to know the person. It’s not bad to love. But always leave some for yourself. Kailangan mahal ang pamilya mo at trabaho po. One thing na hindi pinagdamot ng daddy ko (former Caloocan Mayor Boy Asistio) when he fell in love with my mom po,” sabi ng dalaga.
 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING