Siyeteng-Siyeteng Kontrobersiya

Vhong-Navarro1.    VHONG NAVARRO
Nitong Enero 17 lang ng taong ito binulabog ang mundo ng showbiz nang bugbugin ng grupo ni Cedric Lee ang komedyanteng si Vhong Navarro dahil sa pamba-black mail sa kanya ng isang Denise Cornejo. Ilang babae rin ang lumutang at nagreklamong hinalay ng aktor subalit lahat ng kanilang reklamo ay ibinasura lang ng korte.
Indinemanda ng aktor ang grupo ni Cedric ng serious physical injury, grave threat at coercion at inaresto sina Cedric, Zimmer Raz, Denise habang hindi pa rin makita ang ilan pang kasamahan. Nakapagpiyansa naman ang tatlo. Nito lamang nakaraang buwan ay nagtagpo ang landas nina Vhong at Cedric sa isang bar na kasosyo si Vice Ganda.  Wala namang nangyaring gulo subalit doble pa rin ang pag-iingat ng komedyante.

Paolo-Bediones2.    PAOLO BEDIONES
Kumalat sa social media at sa mundo ng Internet ang sex scandal ni Paolo Bediones sa isang magandang babae na hindi naman tinukoy ang pangalan. Tinanggap naman nang buong-buo ni Paolo ang nagawang eskandalo at hindi na siya nagpaapekto rito. Kalmanteng hinarap ng TV host/ news anchor ang kontroberisya at itinuloy pa rin niya ang kanyang trabaho bilang mamamahayag.

Nora-Aunor3.    NORA AUNOR
Labis na lang ang galit ng mga Noranians nang hindi hirangin ang kanilang idolong si Nora Aunor bilang National Artist sa taong ito. Kasado na sana ang award para sa Superstar, subalit hindi ito naibigay ng Pangulo dahil sa isyu ng pagkakakulong nito kaugnay ng droga. Marami ang nagprotesta at sinasabing bumaba pa umano ang ratings ng Pangulo dahil sa isyung ito. Gayunman, bigo pa rin ang aktres na masungkit ang parangal.

Coco-Martin4.    COCO MARTIN
Hindi ikinatuwa ng ilang mga grupo ng kababaihan ang ginawa ng aktor na si Coco Martin sa nakaraang Bench Fashion Show na The Naked Truth, kung saan may hila-hilang naka-kadenang babae ang aktor. Niyurakan umano ni Coco ang kababaihan sa ginawang pagrampang ito na siya namang ipinrotesta ng mga women’s group. Labis naman ang paghingi ng tawad ng aktor at maging ng manager nito dahil hindi naman daw nila intensyon ang nangyari at pawang gimik lang daw umano ito para sa nasabing fashion show.

Derek-Ramsay5.    DEREK RAMSAY
Ikinagulat naman ng lahat ang paglantad ng asawa ni Derek Ramsay na si Christine Jolly para idemanda ang aktor at idinamay pa si Angelica Panganiban. Nabigla ang lahat nang hiwalayan ni Angelica si Derek. Katunayan ay marami pa ang nagalit sa aktres dahil inakala nilang nanlalaki lang ito. Pero iyon pala’y dahil walang pag-asa ang aktres na pakasalan ni Derek dahil kasal pa pala ito ay may anak. Naayos din naman ang kaso ng aktor at sinabi rin nito na gusto niyang makasama pa lalo ang anak. Sa ngayon nama’y kasado na ang pagbabalik ng aktor sa Star Cinema.

Kris-Aquino6.    KRIS AQUINO
Pinag-usapan naman ang relasyon ng Presidential Sister na si Kris Aquino at Quezon City Mayor Herbert Bautista. Naunang lumabas ang isang larawan ng dinner ng Pamilya Aquino kasama si Mayor na siya namang inamin ni Kris na ito ang nagpapatibok ng kanyang puso. Pero ilang linggo lang ay luha naman ang ipinakita ni Kris nang masira ang kanilang relasyon ni Mayor. Marami ring post ang actress-host sa kanyang Instagram account kung saan may nagpapadala sa kanya ng mga bulaklak.
Maliban kay Mayor, nali-link din kay Derek Ramsay si Kris na ayon sa aktres ay nagbibigay sa kanya ng inspirasyon.

Daniel-Padilla7.    DANIEL PADILLA
Labis naman ang pagpapakumbaba at paghingi ng tawad ni Daniel Padilla sa mga taong nasaktan niya nang lumabas ang kanyang audio scandal, kung saan sinabi ng Teen King na kinikilig ang kanyang tumbong sa isang dalagang ka-text niya. Sinasabing si Jasmine Curtis-Smith ang babaeng tinutukoy sa scandal na ikinasira naman ng relasyon ni Daniel sa leading lady nitong si Kathryn Bernardo, kung saan nagkabati rin naman ang dalawa at masayang rumampa sa The Naked Truth. Sa kasalukuyan naman ay walang projects ang binata dahil sa isyung mataas maningil ang kanyang inang si Karla Estrada.

Billy-Crawford8.    BILLY CRAWFORD
Matapos ang pinakaabangang Star Magic Ball, sa kulungan naman natagpuan ang singer-host na si Billy Crawford matapos itong magwala sa presinto. Lasing na lasing umano si Billy at gusto lang niyang magpakulong upang wala siyang magawang masama. Subalit nang tanggihan umano siya ng mga pulis ay nagwala ito at binasag ang glass door ng naturang presinto. Labis naman ang paghinggi ng tawad ng aktor sa nangyaring insidente.

Marian-Rivera-Heart-Evangelista9.    HEART EVANGELISTA AT MARIAN RIVERA
Usong-uso ngayong taong ito ang wedding proposals at kasalan pero ang pinakanagtalbugan ay ang dalawang leading ladies ng GMA 7 na sina Heart Evangelista at Marian Rivera. Nauna nang inayang magpakasal si Marian Rivera ng kanyang leading man at real life sweetheart na si Dingdong Dantes na ikakasal na sa katapusan ng buwan. Hindi naman nagpatalo si Heart Evangelista na ikakasal na rin kay Senador Chiz Escudero sa Pebrero ng susunod na taon. Nauna nang pag-usapan ang panggagaya raw umano ni Heart kay Marian na siya namang ikinagalit ng mga fans ni Marian. Nauna na ang pagpo-post ni Marian ng kanyang dress at bag na siya rin namang kapareho ng suot ni Heart. Bukod pa rito, nagpatalbugan din ang dalawa sa kung sino ang gagawa ng kanilang wedding gown, kung saan ang kanilang bridal shower at kung anu-ano pa. Magpatalbugan man ang  dalawa, parehong sa alter ang kanilang tuloy.

Aljur-Abrenica10.    ALJUR ABRENICA
Nag-power trip umano si Aljur Abrenica na para bang nagsawa na sa kanyang trabaho kaya’t gustong ipawalang-bisa ang kanyang kontrata sa Siyete. Hindi naman siyempre pumayag ang network at kinasuhan ang aktor na hindi rin naman umatras sa laban. Kaya ngayon, wala na muna pansamantala ang mukha ni Aljur sa telebisyon.

Richard-Gutierrez- Sarah-Lahbati- Baby-Zion11.    SARAH LABHATI, RICHARD GUTIERREZ AND BABY ZION
Kasabay ng pagkakaroon ng reality show ng pamilya Gutierrez, sa wakas ay inamin na nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na may anak na sila. Matagal ding itinago ng dalawang magkasintahan ang kanilang anak na si baby Zion sa publiko at inilabas lang ang bata noong may reality TV show na ang pamilya na siya ring binatikos dahil pinagkakitaan lang daw umano ang bata, bagay na itinanggi naman ng pamilya.

Julia-Barretto12.    JULIA BARRETTO
Tuluyan na ngang tinanggal ni Julia Barretto sa kanyang buhay ang apelyido ng amang si Dennis Padilla. Bukod pa rito, nang magkita sa isang burol ang mag-ama ay inismiran daw ni Julia si Dennis, bagay na ikinagalit ng komedyante kaya ipinatawag ang anak para pagsabihan. Napaiyak si Julia sa paninita ng kanyang ama kaya nagsumbong kay Marjorie Barretto at pinagsasampal daw ni Marjorie si Dennis.

Ai-Ai-delas-Alas13.    AI-AI DELAS ALAS
Ang pag-ibig ay wala nga naman talagang pinipiling edad. Ito ang bagong lovelife ni Ai-Ai Delas Alas sa kanyang bagong boyfriend na si Gerald Sibayan na isang Lasalistang badminton player. In love na in love umano ang comedy queen sa kanyang boyfriend na bagets at masaya naman siya kumpara sa mga nakaraan nitong relasyon. Pero si Gerald na nga kaya ang kanyang “the one?”

Cristine-Reyes14.    CRISTINE REYES
Matapos ang pagtatanggi at pagwalk-out, sa wakas ay inamin na ni Cristine Reyes na buntis siya. Ayon sa aktres, hindi niya ito maamin noong una dahil maselan ang kanyang pagbubuntis sa anak nila ng MMA fighter na si Ali. Bukod kay Cristine, buntis din ang kanyang dalawang ate.

Text By Erryell Valmonte

Photos by Fernan Sucalit and Parazz WIres