Siyete, lugi na kay Marian Rivera?

ADVERTISING

Siyete, lugi na kay Marian Rivera?

Marian-RiveraPOOR GMA-7, lugi na raw kasi kay Marian Rivera.

ADVERTISING

True ba na umaangal na ang Siyete dahil hindi nagre-rate ang dance show ni Marian? Nakadagdag pa sa pressure ng network ang one digit rating ng show ng dyowa ni Dingdong Dantes.

Actually, luging-lugi na raw ang network dito kay Marian. Since guaranteed contract siya, hindi man siya magtrabaho ay meron siyang bayad, and mind you, milyones iyon, ha, at hindi barya-barya lang.

Since iisa lang ang show ni Marian ngayon, lugi nga kung susumahin ang GMA-7. Imagine, halos dalawang araw o kaya naman ay tatlong araw lang siyang nagwo-work pero milyones pa rin ang bayad sa kanya. Sa dance show kasi, may rehearsal. Kung dalawang araw ang rehearsal at isang araw ang taping, tatlong araw lang ‘yong work, ‘di ba?

ADVERTISING

Actually, hirap na hirap na raw ang network exeucitves na hanapan si Marian na tamang show. Puro kasi flopey ang shows niya.

‘Yung dance show niya, one digit ang rating at wala pa halos pumapasok na commercials. ‘Yung last niyang teleserye ay halos isinumpa dahil hindi rin nag-rate.

Hindi na nga raw malaman ng execs ng Siyete kung anong shows ang ibibigay sa dyowa ni Dingdong. Parang maalat ito, laging flopey ang mga programa.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING