Sipat-eklat #197: Kapamilya, makinig: Claudine, proud na proud maging Kapuso!

Sipat-eklat #197: Kapamilya, makinig: Claudine, proud na proud maging Kapuso!SIPAT: ‘I’M REALLY PROUD TO BE A KAPUSO!’ Sey ni CLAUDINE BARRETTO.
EKLAT: OUCH, KAPAMILYA! OUCH!

SIPAT: FAN din daw si CLAUDINE ng SHOWS ng GMA-7, lalo na nang ‘DARNA.’
EKLAT: Wow… ang SHOWBIZ!

SIPAT: GUSTO rin daw MAKATRABAHO ni CLAUDINE si MARK ANTHONY FERNANDEZ, para MAGKAROON na sila ng CLOSURE.
EKLAT: CLOSURE po, ha? HINDI OPENING…

SIPAT: Dahil NAPIRATA raw si CLAUDINE ng KAPUSO, may PIPIRATAHIN din daw ang KAPAMILYA…
EKLAT: SINO ba ang PUWEDE at PANTAPAT nila?

SIPAT: ‘KASAWA na ang PURO REMAKE ng KOREANOVELA…
EKLAT: Ang PINOY talaga, puro na lang PANGGAGAYA. ‘Di ba, KA FREDDIE AGUILAR?

SIPAT: Pero OKAY na rin ang PINOY-STYLE KOREANOVELA.
EKLAT: Kesa mga FANTASERYE na WALANG KUWENTA.

SIPAT: HUMIHINGI si GINA ALAJAR ng PUBLIC APOLOGY sa ‘THE BUZZ’ sa PAGKAKADAWIT niya sa MANNY-KRISTA ISSUE dahil sa SHOUTOUT niya sa FACEBOOK niya. WALA raw KARAPATAN ang ‘THE BUZZ’ na IBUYANGYANG ang ACCOUNT niya.
EKLAT: ‘Yung SHOUTOUT na lang ni ROSANNA ROCES kasi ang TUTUKAN n’yo!

SIPAT: Nu’ng PUMUTOK ang VIDEO SCANDAL ni KATRINA HALILI kay HAYDEN KHO, ang DAMI palang nag-DONATE sa SEXY STAR, kasi akala nila TULUYAN nang NAWALAN ng RAKET si Katrina. UMABOT daw ng KALAHATING MILYON ang DONASYON.
EKLAT: Hmmm… ‘GANDANG IDEYA sa mga WALA nang CAREER!

SIPAT: HINDI raw AKALAIN ng BABAENG NABUNTIS daw ni MARK HERRAS na LALAKI ang ISYU.
EKLAT: ‘Neng, TUMAHIMIK ka, WALA nang ISYU!

SIPAT: Naks, idine-DEDICATE ni MANNY PACQUIAO sa asawang si JINKEE ang kantang ‘BORN FOR YOU’ nang mag-SHOW sila sa Mall of Asia.
EKLAT: NAG-IBA na ang TAKBO ng PROMO GIMMICK ni PACMAN sa PELIKULA niya!

SIPAT: ‘WAPAKMAN’ ang FILMFEST ENTRY nina PACMAN at KRISTA RANILLO.
EKLAT: HINDI po ang ‘ANG DARLING KONG ASWANG.’ Kina VIC SOTTO at CRISTINE REYES ‘yon.

SIPAT: Kung MAGSASAMA-SAMA sina MANNY, JINKEE at KRISTA sa ISANG PELIKULA…
EKLAT: Puwedeng titulo: ANG DARLING KONG INASWANG!

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service