Sipat-eklat #196: Wish ni Jolina Magdangal: Makatuluyan ang Rakistang Jowa!

Sipat-eklat #196: Wish ni Jolina Magdangal: Makatuluyan ang Rakistang Jowa!SIPAT: MUNTIK nang MALUNOD si CRISTINE REYES sa taping ng MY CHEATING HEART. ‘BUTI na lang NASAGIP siya ni JAKE CUENCA.
EKLAT: EWAN lang kung BINIGYAN pa ng AKTOR ng MOUTH-TO-MOUTH RESUSCITATION si EVA FONDA.

SIPAT: HIWALAY na sina WENDY VALDEZ at BRUCE QUEBRAL. Pero HINDI nila muna INAMIN na NAGPAKASAL sila.
EKLAT: Teka, SINO nga ba uli ang DALAWA?

SIPAT: BAKA naman GIMMICK lang ‘yan para MAPAG-USAPAN sina WENDY at BRUCE.
EKLAT: Sabagay, WALA na ang CAREER nila.

SIPAT: IKINASAL sina BRUCE at WENDY nu’ng MARCH, tapos NAGHIWALAY sila nu’ng JULY.
EKLAT: PASOK na ‘yan sa PINOY RECORDS!

SIPAT: HINDI raw TOTOONG HIWALAY na sila ng MUSLIM HUSBAND niya, sey ni ALMA MORENO.
EKLAT: Para PATUNAYANG NAGSASAMA pa ang DALAWA, PUNTAHAN daw sila sa MAGUINDANAO …

SIPAT: WALA pang BALAK MAGPAKASAL sina ZANJOE MARUDO at MARIEL RODRIGUEZ.
EKLAT: MARAMI pa raw silang PLANO… ni MARIEL.

SIPAT: LUMAPAD si CLAUDINE BARRETTO, NAPANSIN n’yo ba?
EKLAT: Kaya siya HINAYAAN na ng KAPAMILYA na maging KAPUSO?

SIPAT: WISH ni JOLINA MAGDANGAL, si MARK ESCUETA ng RIVERMAYA ang MAKATULUYAN na niya.
EKLAT: Uy, HINDI pa naman HULING BIYAHE si JOLENS, huh!

SIPAT: MAGKAKASAMA raw uli sina MARIAN RIVERA at DINGDONG DANTES sa REMAKE ng ENDLESS LOVE.
EKLAT: SEMPLANG sa RATING ang TV SHOW nila ‘pag HINDI SILA ang MAGKASAMA, e.

SIPAT: Ang mag-NANAY na JEAN at JENNICA GARCIA ang BIDA sa REMAKE ng ‘INA, KASUSUKLAMAN BA KITA.’
EKLAT: Hmmm… parang MAS BAGAY kay OSANG ‘yan.

SIPAT: MASAYA na si KATRINA HALILI sa SUNUD-SUNOD na KARMA ni HAYDEN KHO.
EKLAT: Si DRA. VICKI BELO, NAGHIHINTAY din na may ma-KARMA.

SIPAT: Blind Item: DOBLE-KARA ang BANSAG ngayon ng SHOWBIZ PRESS sa FEMALE TV HOST na MAHILIG MANG-OKRAY. SWEET kasi siya sa HARAP ng mga BOTANTE, pero SUPLADITA ‘pag WALA nang KAMERA.
EKLAT: Clue: Everybody sing: I’M COMING HOME I’VE DONE MY TIME…

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service