Sipat-eklat #195: Pagkamaldita ng Young Actress, Umatake na Naman! P.A., Pinagmumura!

Sipat-eklat #195: Pagkamaldita ng Young Actress, Umatake na Naman! P.A., Pinagmumura! SIPAT: Nag-OBER DA BAKOD na si CLAUDINE BARRETTO sa KAPUSO network.
EKLAT: WALA nang RAKET sa KAPAMILYA, e. ‘DI na MABENTA?

SIPAT: Uy, SIKAT pa naman si CLAUDINE…
EKLAT: Oo naman! Kaya nga ‘DI na siya PINIGILAN ng KAPAMILYA, e.

SIPAT: BAKIT nga kaya HINDI PINIGILAN ng DOS na LUMAYAS si CLAUDINE?
EKLAT: MASIKIP na sa KAPAMILYA, ‘DI na KASYA ang DATI nilang BIDA!

SIPAT: MARAMI pa raw MAGLILIPATAN sa SIYETE.
EKLAT: Ibig sabihin… ‘DAMI nang MATATANDA sa DOS?

SIPAT: Ang ARTISTA parang PANINDA…
EKLAT: ‘Pag NALUMA na, PALITAN na!

SIPAT: AANAKAN lang daw ni MARK HERRAS ‘yung BABAENG MAHAL niya at PAKAKASALAN niya…
EKLAT: DIYETANG-DIYETA ang ating BIDA o MAINGAT lang TALAGA siya?

SIPAT: ACTIVE daw ang SEX LIFE ni DINGDONG DANTES…
EKLAT: Hmmm… HINDI na namin BABANGGITIN kung KANINO, ha?

SIPAT: MAGSYOTA na raw sina ENCHONG DEE at ERICH GONZALES?
EKLAT: SIGE na nga… HINDI ‘yan GIMMICK. Pramis.

SIPAT: HINDI naman pala NILILIGAWAN ni JC TIUSECO si MAXENE MAGALONA.
EKLAT: NALALAGYAN lang ng MALISYA ‘yung MADALAS na pagde-DATE nila?

SIPAT: TAPOS na ang LOVERS IN PARIS, pero sey ni KC CONCEPCION, kung ANUMANG MERON sila ni PIOLO PASCUAL, TULOY pa rin ‘yon. Lalo na raw ‘yung PAGKAKAIBIGAN nila.
EKLAT: Wala nang DAPAT i-PROMOTE, e!

SIPAT: BINABAWI ni RICHARD GOMEZ ‘yung FAMILY FEUD kay DINGDONG DANTES. PUWEDE na kasing RUMAKET sa TV ang mga ARTISTANG SASABAK sa PULITIKA.
EKLAT: SIGE, ‘pag HINDI n’yo ‘yan IBINALIK kay GOMA… LILIPAT siya sa KAPAMILYA!

SIPAT: Blind Item: UMATAKE na naman ang pagka-MALDITA ng YOUNG ACTRESS. Sa INIS niya sa DIREKTOR ng KOMERSIYAL na GINAGAWA niya, ang POBRENG PERSONAL ASSISTANT ang NAPAGDISKITAHAN niya at PINAGMUMURA.
EKLAT: Clue: BAGAY talaga sa kanya ‘yung KARAKTER na DALAWA ang HITSURA na PINAGBIDAHAN niya…

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service