Sipat-eklat #192: Luis Manzano, deadma na talaga kay Angel Locsin?!

Sipat-eklat #192: Luis Manzano, deadma na talaga kay Angel Locsin?!

SIPAT: P3.5-M LANG ang KINITA sa FIRST WEEK of SHOWING ng ‘NANDITO AKO, NAGMAMAHAL SA ‘YO’ movie nina ALJUR ABRENICA at KRIS BERNAL.
EKLAT: FLOP talaga. PATI nga mga PIRATA HINDI GUMAWA ng KOPYA, e!

SIPAT: Pero LAKI ng BILIB ng KAPUSO sa DALAWA, may BAGONG TELESERYE pa sila.
EKLAT: LIBRE naman sa TV, HINDI tulad sa SINE na MINIMUM PAY, e, P150!

SIPAT: Na-DEPRESS daw si KRIS sa PAGSADSAD ng LAUNCHING MOVIE nila ni ALJUR?
EKLAT: TIYAK na si MOTHER LILY MONTEVERDE, HINDI lang na-DEPRESS.

SIPAT: Kung may TEAM PACQUIAO, may TEAM JINKEE na rin pala.
EKLAT: TEAM KRISTA… anyone?

SIPAT: INAYA pala ni ANGEL LOCSIN si PIOLO PASCUAL na SAMAHAN siya sa INTERNATIONAL EMMYS. ‘WALA naman akong MAISIP na ISAMA rito kundi SIYA lang,’ sey pa ni ANGEL.
EKLAT: DEADMA na talaga si LUIS MANZANO!

SIPAT: MATALIK na MAGKAIBIGAN lang daw SILA ni KRISTA RANILLO, sey ni MANNY PACQUIAO.
EKLAT: SARAP maging BEST FRIEND ni PACMAN!

SIPAT: ‘MATALIK’ po, ha? Paki-DOUBLE CHECK ang SPELLING…
EKLAT: HINDI naman PUWEDENG MAGTALIK ang mag-BEST FRIEND, ‘di ba?

SIPAT: Sey ni MOMMY DIONESIA, ‘HINDI ko KILALA si KRISTA! HINDI ko sila NAKIKITANG MAGKASAMA ni MANNY!’
EKLAT: E, MOMMY D… nasa BAGUIO ba kayo? Sa RELIEF OPERATION ni PACMAN… sa HONGKONG?

SIPAT: Magre-REFORMAT daw ang WOWOWEE.
EKLAT: Ay, RETAIN po si WILLIE REVILLAME. Of course!

SIPAT: BIGYAN natin ng MASIGABONG PALAKPAKAN si EFREN PEÑAFLORIDA dahil siya ang CNN HERO OF THE YEAR dahil sa kanyang KARITON CLASSROOM project.
EKLAT: HINDI niya KAILANGANG MANAKIT para maging BAYANI, ‘yan ang TUNAY na DAPAT IKARANGAL ng mga PINOY!

SIPAT: ‘Kapag ako nag-PASKONG WALA ang APO ko, MAGIGING KULAY-ABO ang LANGIT nila!’ BIRADA ni ROSANNA ROCES sa mga REVILLA.
EKLAT: Aba, PUWEDE na PALA si OSANG MAGTRABAHO sa PAGASA!

SIPAT: KAWAWA naman ang ANAK nina JOLO REVILLA at GRACE ADRIANO, ‘no?
EKLAT: NAGAGAMIT sa PUBLICITY ng LOLA, e!

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service