Sipat-eklat #183: Darna, tuluyan nang bumaba ang lipad!

Sipat-eklat #183: Darna, tuluyan nang bumaba ang lipad!SIPAT: GUSTO raw ni KORINA SANCHEZ ng MARAMING ANAK.
EKLAT: EXTRA CHALLENGE ‘yan kay MAR ROXAS!

SIPAT: BAKIT daw WALA sa CHRISTMAS MUSIC VIDEO ng KAPAMILYA si WILLIE REVILLAME?
EKLAT: MAHAL ang BUDGET?

SIPAT: IBINUKING ni NIÑA JOSE na NANLIGAW sa kanya si GERALD ANDERSON sa KASAGSAGAN ng PUBLICITY ng LOVETEAM nito with KIM CHIU.
EKLAT: Idi-DENY ‘yan ni GERALD. Pustahan! OUCH, NIÑA, OUCH!

SIPAT: Kung SABUNUTAN daw siya ni KIM sa REBELASYON niya, SASABUNUTAN niya rin ito!
EKLAT: Sana GAWIN nila ‘yan ON NATIONAL TV!

SIPAT: BAKIT daw parang TINIPID naman ang CHRISTMAS MUSIC VIDEO ng KAPUSO?
EKLAT: Tuloy ang COST-CUTTING!

SIPAT: Ay, TULUYAN nang NALAGLAG si DARNA sa TV RATINGS! As of NOV. 9. Mula sa TNS, nag-NET lang ang FANTASERYE ng 26.5%. HINDI man lang NAKASINGIT sa TOP 5 ng DOS na TV PATROL, MAY BUKAS PA, LOVERS IN PARIS, KATORSE at DAHIL MAY ISANG IKAW.
EKLAT: O, ‘wag nang SISIHIN si ONDOY at PEPENG, ha? MATAGAL na silang NAKAALIS.

SIPAT: KANERBIYOS ang DANCE ROUTINE ni MOMMY DIONISIA PACQUIAO…
EKLAT: Para kasing MALALANSAGAN siya ng mga BUTO!

SIPAT: KABOG si AI-AI DELAS ALAS sa SHOWDOWN nila ni MOMMY D!
EKLAT: HINDI na kasi PUWEDE ang LIFTING sa COMEDY CONCERT QUEEN…

SIPAT: P11-BILLION naman pala ang GROSS INCOME ng KAPAMILYA sa 1st HALF ng 2009.
EKLAT: Uy, WALANG PADDING ‘yan!

SIPAT: DINOKTOR daw ang PANTY-SILIP ni CRISTINE REYES. PINALITAN ang PANTY ng SEKSING AKTRES!
EKLAT: SUWERTE naman nu’ng NAGPALIT…

SIPAT: ‘ASAN na ba ‘yung PICTURE na ‘yon, PAPA DANI?
EKLAT: HINDI man lang namin NASILIP!

SIPAT: MADALI lang PATUNAYAN ni CRISTINE na DINOKTOR ang SUOT niyang PANTY.
EKLAT: DALHIN n’ya ‘yung GINAMIT NIYANG PANTY rito sa PINOY PARAZZI!

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service