Sipat-eklat #182: Mumurahing hotel, lovenest ng sikat na showbiz couple!

Sipat-eklat #182: Mumurahing hotel, lovenest ng sikat na showbiz couple!SIPAT: UMABOT na sa P10 BILLION ang GROSS REVENUE ng KAPUSO NETWORK!
EKLAT: Kaya ‘WAG na MALIITIN ang MEGA-MANILA RATINGS!

SIPAT: MALAKING BAGAY talaga ang RATINGS GAME.
EKLAT: Kung PUWEDE nga lang MAGPATAYAN na MANGUNA lang d’yan, e!

SIPAT: So, HINDI TRUE na may COST-CUTTING sa GMA-7?
EKLAT: MAWAWALAN lang daw ng SHOW ‘yung WALANG TALENT!

SIPAT: Sige nga, KAPAMILYA, MAGLABAS din kayo ng FINANCIAL STATEMENT.
EKLAT: ‘Yung WALANG PADDING, ha?

SIPAT: TAPOS ng LABAN nina PACQUAIO at COTTO, may MATCH na AABANGAN pa ang mga tao.
EKLAT: JINKEE PACQUAIO vs. KRISTA RANILLO FIGHT!

SIPAT: BA’T ba AYAW MAMATAY ng TSIKA kina PACMAN at KRISTA?
EKLAT: Baka PROMO GIMMICK ng LABAN ng PAMBANSANG KAMAO.

SIPAT: Nag-ISSUE na ng PUBLIC APOLOGY si CHIN CHIN GUTIERREZ para kay LORNA TOLENTINO.
EKLAT: Mag-i-ISSUE naman ng MEDICAL CERTIFICATE ang DOKTOR na GUMAMOT kay LT.

SIPAT: MAGBABALIK na si SUNSHINE DIZON sa KAPUSO network. ABANGAN daw natin ‘yon!
EKLAT: Ah… SAANG GATE ng GMA TV network?

SIPAT: DATE nina JOEY MARQUEZ at JOANN QUINTAS sa GATEWAY MALL NABUKING?
EKLAT: SO WHAT naman? SINGLE si TSONG… very much MARRIED si JOANN?!

SIPAT: Magpa-FLY sa AUSTRALIA sina OGIE ALCASID at REGINE VELASQUEZ para DUMALO sa KASAL ni MICHELLE VAN EIMEREN.
EKLAT: FRIENDS becoming LOVERS and LOVERS becoming FRIENDS… Nice. Nice!

SIPAT: Kahit NAKAUNA ang STAR CINEMA kay MOMMY DIONESIA PACQUIAO, sa KAPUSO pa rin siya may TV SHOW with SON MANNY PACQUIAO.
EKLAT: TAASAN n’yo kasi ang OFFER, KAPAMILYA!

SIPAT: Blind Item: Ang LOVENEST ng SIKAT na SHOWBIZ COUPLE ay ISANG MUMURAHING HOTEL lang.
EKLAT: Clue: HINDI sa IBANG BANSA. DITO lang sa ‘PINAS. Pramis.

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service