Sipat-eklat #179: Filmfest movie ni Marian Rivera, ‘di na itinuloy!

Sipat-eklat #179: Filmfest movie ni Marian Rivera, ‘di na itinuloy!SIPAT: Naka-P10.8-M pa lang ang PATIENT X sa 6-DAYS SHOWING nito.
EKLAT: May PAPALIT na sa TRONO ng… TAROT!

SIPAT: May BAGONG TELEFANTASYA sina ALJUR ABRENICA at KRIS BERNAL.
EKLAT: BILIB talaga sa kanila ang KAPUSO, ‘no? Ang TINDI, e!

SIPAT: MAGKAKAROON ng REFORMATTING sa SOP…
EKLAT: KABADO na ang TALENTS ni PERRY LANSINGAN!

SIPAT: May COST-CUTTING sa KAPUSO network. May mga TALENT na MAWAWALAN ng RAKET.
EKLAT: Ay, ‘yung WALANG TALENT ang MAWAWALAN ng RAKET!

SIPAT: HINDI na TULOY ang ‘NIEVES’ ni MARIAN RIVERA na FILMFEST ENTRY sana ng REGAL FILMS this DECEMBER.
EKLAT: BAKIT naman kaya…?

SIPAT: HEALTH PROBLEM ni Direk MIKE TUVIERA daw ang DAHILAN.
EKLAT: PALUSOT lang ‘yan. ‘DAMI namang DIREKTOR d’yan!

SIPAT: NALUNGKOT tuloy si MARIAN na WALA siyang MOVIE sa FILMFEST.
EKLAT: Mas MALULUNGKOT si MOTHER LILY… ‘pag nag-FLOP ang PELIKULA?

SIPAT: GIMMICK lang ang SAMPALAN nina LORNA TOLENTINO at CHIN CHIN GUTIERREZ.
EKLAT: Sa magka-LOVETEAM, PUWEDE ring i-GIMMICK ‘yan!

SIPAT: MADALAS MANGHALIK ng FEMALE CONTESTANTS si RICHARD GOMEZ sa ‘FAMILY FEUD’, siyempre, ‘yun din ang GAGAWIN ni DINGDONG DANTES ‘pag siya na ang HOST.
EKLAT: MAGBANTAY din kaya do’n si DARNA?

SIPAT: BAD PUBLICITY sa ‘ANG TANGING PAMILYA’ na IDINEKLARA ni AI-AI DELAS ALAS ang SUPORTA niya kay NOYNOY AQUINO lalo na’t KASAMA si JOSEPH ESTRADA sa PELIKULA.
EKLAT: Bakit, MARAMI pa bang SUPPORTERS si ERAP?

SIPAT: MAGKAKASAMA uli sina JAKE CUENCA at CRISTINE REYES!
EKLAT: Basta WALA lang daw KISSING SCENE?

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service