Sipat-eklat #177: Young actor, ‘Totoy Bato’ na ang bansag kagagamit ng shabu!

Sipat-eklat #177: Young actor, ‘Totoy Bato’ na ang bansag kagagamit ng shabu!SIPAT: Ang PLOT ng PATIENT X, e KINOPYA lang sa PLOT ng ‘EMERGENCY ROOM’ episode ng SHAKE, RATTLE & ROLL X?
EKLAT: E, ANO NAMAN? HINDI namin PAREHONG PINANOOD ‘yan!

SIPAT: BAKA naman NAGKATAON lang na MAGKAHAWIG ang PLOT.
EKLAT: TULAD na NAGKATAON lang na may ‘X’ sa TITULO.

SIPAT: ILANG ARAW ring MAGKASAMA sina MARIAN RIVERA at DINGDONG DANTES sa SINGAPORE at MALAYSIA para i-PROMOTE ang DVD ng DYESEBEL.
EKLAT: Nakapag-HONEYMOON, este, NAKAPAMASYAL din kaya sila roon?

SIPAT: Dahil sa ONLINE AUCTION ni ANGEL LOCSIN, e, FRIENDS na rin sina MARIAN at ANNE CURTIS.
EKLAT: Mga FANS na lang TALAGA ng DALAWANG DARNA ang HINDI pa NAGBABATI, e.

SIPAT: Kung MAGKAKABATI ang HUKBO ng FANS nina MARIAN at ANGEL, e GAGANDA pa LALO ang CAREER ng DALAWA.
EKLAT: HINDI na magpa-FLOP ang mga PELIKULA nila!

SIPAT: DEADMA ang KAPAMILYA kung MAGLIPATAN man ang BIG STARS nila sa RIVAL NETWORK.
EKLAT: MAS MURA kasi ang TALENT FEE ng SMALL STARS!

SIPAT: NAGPAPARAMDAM na rin si MARICEL SORIANO na AALIS na sa DOS?
EKLAT: ‘OKS lang. FLOP naman ang FLORINDA, ‘di ba?’ Sey ng isang pro-KAPAMILYA.

SIPAT: WALANG PAHINGA si ANGEL LOCSIN sa BAGO niyang KONTRATA sa ABS-CBN.
EKLAT: Kaya MAPIPIGILAN na ang PAGTABA niya!

SIPAT: NAPATAWAD na ng ANAK ni DR. VICKI BELO na si CRISTALLE HENARES si HAYDEN KHO.
EKLAT: Sabagay, WALA namang KUMALAT na SEX VIDEO ang ERMAT niya.

SIPAT: MAHIRAP PANIWALAAN ang RELASYONG KRISTA RANILLO-MANNY PACQUIAO…
EKLAT: MADALAS lang silang MAISPATANG MAGKASAMA… nang HINDI ALAM ni JINKEE?

SIPAT: MARAMI raw NANLOKONG BABAE sa kanya, sey ni WILLIE REVILLAME.
EKLAT: Sana MAPANOOD din natin sa YOUTUBE, ‘no?

SIPAT: PINOPORMAHAN ni JOLO REVILLA si MELISSA RICKS?
EKLAT: GAMITAN na ng ‘AGIMAT’ nang MAPASAGOT agad!

SIPAT: ‘TOTOY BATO’ ang BANSAG sa YOUNG ACTOR sa LUGAR nila. TALAMAK na kasi sa kasa-SHABU…
EKLAT: Kaya pala ang HUSAY niyang GUMANAP na DRUG ADDICT!

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service