Sipat-eklat #172: Kaya patung-patong ang projects: Hunky actor, newest flavor ni Gay TV Exec!

Sipat-eklat #172: Kaya patung-patong ang projects: Hunky actor, newest flavor ni Gay TV Exec!SIPAT: Sey ni PAOLO CONTIS, ‘WAG nang IPAGKALAT ni ISABEL OLI na CLOSE siya sa MOTHER niya.
EKLAT: HUMIHIRIT pa ba si ISABEL, PAOLO?

SIPAT: SINAMPULAN na ni RYAN AGONCILLO ang RIGODON ng mga ARTISTA sa DOS at SIYETE. PASOK na siya sa EAT BULAGA.
EKLAT: Kasi naman KAPAMILYA, DAGDAGAN n’yo naman ang TRABAHO nila!

SIPAT: MATUTULOY kaya ang PAGLIPAT ni AGA MUHLACH sa SIYETE?
EKLAT: GO na, PAPA AGA! Baka sa KAHIHINTAY mo ng PROJECT sa KAPAMILYA, sa FATHER ROLES ka na MAPUNTA!

SIPAT: Si SUNSHINE DIZON, e MAGIGING KAPAMILYA na raw?
EKLAT: DEPRESSION included…

SIPAT: KASAMA si MANNY PACQUIAO sa ‘BODY ISSUE’ ng ESPN MAGAZINE. ‘Eto ‘yung NAKAHUBAD na HALOS ang mga SIKAT na mga ATLETA sa BUONG MUNDO.
EKLAT: KELAN naman daw sa PLAYGIRL?

SIPAT: P18-M ang KINITA ng TAROT sa MEGA MANILA sa TATLONG LINGGO nitong SHOWING. Ayon ‘yan sa AMERICAN WEBSITE na www.boxofficemojo.com.
EKLAT: GO muna sa WEBSITE bago mag-REACT ang mga FANS.

SIPAT: ‘TALENTADONG PINOY’ na nga lang ang TOP-RATING SHOW ng TV5, GINAYA pa ng DOS at SIYETE.
EKLAT: KAPALMUKS talaga!

SIPAT: DAPAT sa SCRIPWRITERS ng GAYA-GAYA SHOWS ng KAPAMILYA at KAPUSO, e TINANGGAL sa TRABAHO.
EKLAT: Ang LAKI ng IBINAYAD sa KANILA, ang ENDING MANGGAGAYA lang pala!

SIPAT: Pero ‘KAINIS namang MANOOD ng GANYANG SHOW, sa TOTOO lang.
EKLAT: PATI yata MAGPAKAIN sa BUWAYA, GAGAWIN ng POBRENG PINOY KUMITA lang ng PERA!

SIPAT: UMPISA na ang AUDITION para sa STARSTRUCK V. ALIGAGA na ang mga GUSTONG mag-ARTISTA.
EKLAT: Mas ALIGAGA na ang mga BADING na TALENT MANAGER kuno.

SIPAT: HIRAP nang MAKABUO sina JUDY ANN SANTOS at RYAN AGONCILLO. HIGIT 30 na si JUDAY, e.
EKLAT: Sina MAR ROXAS at KORINA SANCHEZ kaya…?

SIPAT: Blind Item: NEWEST FLAVOR ni GAY TV EXEC si HUNKY ACTOR. Kaya pala PATUNG-PATONG ang PROJECT ng ating BIDA, e. HINDI talaga NABABAKANTE…
EKLAT: Clue: Sus, para namang HINDI n’yo pa siya KILALA! ARAW-ARAW nga NAPAPANOOD n’yo siya…

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service