Sipat-eklat #170: In My Life ng Star Cinema, ‘di rin kumita!

ADVERTISING

Sipat-eklat #170: In My Life ng Star Cinema, ‘di rin kumita!SIPAT: GALIT na ang FANS ni MARIAN RIVERA. BAKIT kasi ISINASABIT pa ang AKTRES sa DINGDONG DANTES-RHIAN RAMOS SWEETNESS kuno?
EKLAT: E, kahit naman KANINO… SWEET si RHIAN.

SIPAT: FEELING kasi ng FANS ni MARIAN, NEGA MASYADO ang DATING ng SELOS ek-ek nito kay RHIAN.
EKLAT: Hmmm… ‘yun lang ang NEGA? Talaga?

ADVERTISING

SIPAT: MAGKAKAROON ng RIGODON sa KAPUSO at KAPAMILYA talents.
EKLAT: True, hindi talaga USO sa SHOWBIZ ang LOYALTY!

SIPAT: Si CARMEN SOO na ang BAGONG SYOTA ni GAB VALENCIANO?
EKLAT: SOO… what?

SIPAT: HURT si RACHEL ANN GO, kasi, ‘kala niya raw COOL OFF lang sila ni GAB.
EKLAT: RACHEL ANN… GO and MOVE FORWARD ka na.

ADVERTISING

SIPAT: ‘Pag SABAY palang IDINEYT ni GAB sina Carmen SOO at Rachell Ann GO, hulaan n’yo kung SAAN niya DADALHIN ang DALAWA?
EKLAT: E,’di sa SOO-GO!

SIPAT: May PATTERN ang TYPE ni GAB na BABAE…
EKLAT: KIM CHIU… WATCH OUT! Puwede rin si LIZ UY…

SIPAT: Ipinadi-DISMISS ni ALJUR ABRENICA ang ISINAMPANG ACTS OF LASCIVIOUSNESS ng isang MENOR DE EDAD laban sa kanya.
EKLAT: Ang LAGAY, e, GANO’N na LANG?

SIPAT: TYPE daw mag-ARTISTA nu’ng BAGETS GIRL. Nakiki-RIDE sa KASIKATAN ni ALJUR?
EKLAT: Ay, SIKAT na ba si ALJUR? Siguro. Kung HINDI nag-FLOP ‘yung MOVIE niya.

SIPAT: HINDI raw TALAGA KUMITA ang IN MY LIFE, at mismong STAR CINEMA ang NAGKUMPIRMA?
EKLAT: O, ‘yan MOTHER LILY, HINDI ka na NAG-IISA!

SIPAT: ‘KASAWA na ang PAG-IYAK ni CHARICE PEMPENGCO.
EKLAT: Kung si OPRAH, KINAGAT siya. Ang PINOY, WALA. DEADMA!

SIPAT: PINATAOB ng SIS ang RUFFA and AI. TSUGI na sa ERE ang show, e.
EKLAT: Sa LAPAD na lang ni JANICE DE BELEN, sige, PAANO mo sila BABANGGAIN?

SIPAT: BABAY na rin ang PILIPINAS, GAME KNB? SASABAK na raw sa PULITIKA si EDU MANZANO, e.
EKLAT: Mga BOTANTE… GAME na ba KAYO kay DOODS?

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

ADVERTISING