Sipat-eklat #167: Angel Locsin at Marian Rivera, friends naman pala!

ADVERTISING

Sipat-eklat #167: Angel Locsin at Marian Rivera, friends naman pala! SIPAT: NAGBABALIK si BLAKDYAK sa MUSIC SCENE!
EKLAT: Nag-BLACKOUT kasi ang CAREER niya noon, e.

SIPAT: Ay, NAWALA pala sa EKSENA si BLAKDYAK?
EKLAT: HINDI namin NARAMDAMAN. Pramis.

ADVERTISING

SIPAT: May PLANO bang MAGING PASTOR si JERICHO ROSALES?
EKLAT: Aba, BAWAT SAGOT niya laging KASAMA, ‘ngalan ni LORD. Pero NICE naman, ‘di ba? KELAN BIBLE STUDY natin, BRO. ECHO?

SIPAT: SEGWEY sa MADERAKA ng SEXY STAR na NAMUMUTIKTIK din ang BIBIG sa kame-MENTION sa ‘ngalan ni LORD…
EKLAT: Uy, ang KAPAL ng BINABASA lagi ni MADERAKA… Bible? Hindi. TRANSCRIPT ng ESTAFA CASE niya.

SIPAT: MAGANDA naman ang RATING ng STAIRWAY TO HEAVEN, ‘di ba? Kaya ‘WAG nang LAGYAN ng GIMMICK na ISINASABIT si MARIAN RIVERA.
EKLAT: Baka LUMAYLAY pa…

ADVERTISING

SIPAT: May STALKER si JOHN JAMES UY!
EKLAT: Teka, i-GOOGLE ko muna kung SINO SIYA?

SIPAT: Si CARMI MARTIN, may ka-DATE na ‘THUNDER CAT,’ tip ng isang SOURCE.
EKLAT: Sus, OKAY lang… ‘THUNDER KITTY’ na rin naman si CARMI.

SIPAT: NABUGBOG na naman si BARON GEISLER sa ISANG BAR dahil sa KALASINGAN?
EKLAT: MAGULAT tayo kung HINDI siya LASING nang MABUGBOG.

SIPAT: FRIENDS naman pala sina ANGEL LOCSIN at MARIAN RIVERA. Pinuntahan pa ni ANGEL mismo si MARIAN sa CONDO nito para KUNIN ang DONATION nitong BAG sa FUND-RAISING PROJECT nina ANGEL at ANNE CURTIS.
EKLAT: Ang MAGKAAWAY lang talaga… ang mga FANS nila!

SIPAT: Parang MAGPAPATAYAN sa TINDI ng PATUTSADAHAN ang FANS ng DALAWA.
EKLAT: KEBER naman ng IDOLO nila!

SIPAT: Mag-DONATE kaya ang FANS ni DARNA kay ANGEL ngayong mismong IDOLO nila, e NAGBIGAY na?
EKLAT: Hmmm… DEAL or NO DEAL?

SIPAT: E, ang FANS kaya ni ANGEL, mag-DONATE din sa IDOLO nila?
EKLAT: SURVEY SAID….!

SIPAT: PALAKPAKAN na lang nga natin sina ANGEL at MARIAN. GOOD KARMA ang KAPALIT n’yan.
EKLAT: Si ANGEL, sana MANALO sa EMMYS. Si MARIAN, sana KUMITA na ang NEXT PELIKULA…

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

ADVERTISING