Sipat-eklat #166: Richard Gutierrez, nakakasawa na ang publicity gimmick!

ADVERTISING

Sipat-eklat #166: Richard Gutierrez, nakakasawa na ang publicity gimmick!SIPAT: Uy, ang GANDA na ng KATAWAN ni JAY-R SIABOC. HINDI na siya MATABA!
EKLAT: TANGGALIN ang TABA… para BUMALIK ang CAREER?

SIPAT: ‘Di ba, ka-LOVETEAM na ni JAY-R dati si MAJA SALVADOR? May SOLO-STARRER na si MAJA.
EKLAT: Si JAY-R… SOLO FLIGHT lang!

ADVERTISING

SIPAT: NAGKABALIKAN na sina ANGEL LOCSIN at LUIS MANZANO. Ows?
EKLAT: TAPOS na kasi ang SHOWING ng ALL MY LIFE!

SIPAT: MAGKAKAHIWALAY uli ‘yan. PUSTAHAN!
EKLAT: ‘Pag NAGSIMULA na ang PELIKULA nina ANGEL at AGA MUHLACH.

SIPAT: Nag-DATE sa SUBIC sina RICHARD GUTIERREZ at CRISTINE REYES. Ang SWEET-SWEET daw ng DALAWA.
EKLAT: WALA bang BAGONG PUBLICITY GIMMICK?

ADVERTISING

SIPAT: Sana HINDI sila sa SUBIC nag-DATE…
EKLAT: Mas OKAY sa… KUALA LUMPUR?

SIPAT: ‘KASAWA na ang GIMMICK kay RICHARD ‘pag may BAGONG MOVIE siya.
EKLAT: Dapat talagang PALITAN na… ang PUBLICIST niya!

SIPAT: BAWASAN na raw ni KRIS AQUINO ang PAGBANGGIT kay Kuya NOYNOY niya sa SNN (Showbiz News Ngayon)…
EKLAT: Kasi baka MAPALITAN na ‘yan ng ‘SNNN’ o SHOWBIZ NEWS NGAYON ni NOYNOY!

SIPAT: PANSIN ng KARAMIHAN, NAPAAGA ang CAMPAIGN PERIOD.
EKLAT: Thanks to ONDOY and PEPENG, dear POLITICIANS?

SIPAT: Hmmm… PRO-NOYNOY ba ang ABS-CBN?
EKLAT: YELLOW kasi ang RELIEF BAGS ng KAPAMILYA…

SIPAT:‘KABILIB si SHARON CUNETA, SIGE lang ang PAHALIK niya sa FANS niya na NAGHIHINTAY na MABIGYAN ng RELIEF GOODS. At HINAHALIKAN din niya SILA, huh!
EKLAT: PAG-UWI kaya ni MEGA sa bahay nila, ‘KINISS’ kaya AGAD siya ni SEN. KIKO PANGILINAN?

SIPAT: Si TETAY kaya, MAGAGAWA ang MAGPAHALIK sa SANREKWANG EVACUEES tulad ni ATE SHAWIE?
EKLAT: AHA-HA-HA… YOU’RE MAKING ME LAUGH, BHOOYYY!

SIPAT: Uy, MAGAGAWA rin naman ni TETAY ‘yon…
EKLAT: HINDI pa naman CAMPAIGN PERIOD.

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

ADVERTISING