Sipat-eklat #157

Sipat-eklat #157SIPAT: FLOP ang LAUNCHING MOVIE ng LOVETEAM nina ALJUR ABRENICA at KRIS BERNAL, bulong ng isang source.
EKLAT: Uy, HINDI naman! LOW-BUDGET ang pelikula. Kaya KUMITA pa rin… siguro.

SIPAT: In fairness, MAGANDA ang NANDITO AKO… NAGMAMAHAL SA ‘YO, depensa ng isang nakapanood.
EKLAT: WALA lang STAR POWER ang mga BIDA.

SIPAT: Para ring NASALANTA ng bagyong ONDOY si MOTHER LILY MONTEVERDE, ‘no?
EKLAT: SUNOD-SUNOD na FLOP ang mga PELIKULA ng REGAL FILMS.

SIPAT: Sana MAKABAWI sa NIEVES ni MARIAN RIVERA na FILMFEST ENTRY daw ng Regal ngayong DECEMBER.
EKLAT: ‘Yan ay kung PANONOORIN ng FANS ni MARIAN at HINDI panay TUNGAYAW lang na SIKAT ang IDOLO nila.

SIPAT: NAPANSIN n’yo ba na laging KAPUSO ang BIDA sa mga pelikula ni MOTHER LILY?
EKLAT: AYAW yatang MAGPAHIRAM ng KAPAMILYA. Baka nga naman MAHAWA pa!

SIPAT: NAKAKABILIB din naman si MOTHER LILY. PANAY pa rin ang PAGGAWA ng PELIKULA kahit na MALUGI siya.
EKLAT: I-SHARE n’yo na kasi ang TALENTS n’yo, Kapamilya.

SIPAT: MAGANDANG PROMO ang pag-RESCUE ni RICHARD GUTIERREZ kay CRISTINE REYES para sa PATIENT X movie nila.
EKLAT: Medyo PUMALPAK nga lang.

SIPAT: Teka, HINDI naman daw si RICHARD ang SUMAGIP kay CRISTINE.
EKLAT: Ibig sabihin, pati ang NEW YORK POST, e NAKURYENTE sa BALITA nila?

SIPAT: GIMMICK ang RESCUE ATTEMPT ni RICHARD kay CRISTINE?
EKLAT: Uy, HINDI naman! NAGKATAON lang na naka-READY na ang mga TV CAMERA.

SIPAT: ‘WAG nang INTRIGAHIN ang pag-RESCUE ni RICHARD kay CRISTINE.
EKLAT: HINDI pa PROMO PERIOD ng PELIKULA nila.

SIPAT: HINDI raw NAGSELOS si MARIEL RODRIGUEZ kay PIOLO PASCUAL nang MAKASAMA nito si ZANJOE MARUDO sa PARIS, FRANCE.
EKLAT: KUMPIRMADO! MAHAL talaga ng TV HOST ang BOYFRIEND niya.

SIPAT: Saka mag-BRO sina PIOLO at ZANJOE, kaya CLOSE talaga sila.
EKLAT: Pareho sila ng PANANAMPALATAYA. CHURCH MATE sila, ‘no!

SIPAT: Teka, BAKIT naman MAGSESELOS si MARIEL kay PIOLO?
EKLAT: Eh, PAREHONG BARAKO ang DALAWA. ‘Di ba? ‘DI BA? HINDI BA?

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service