Sipat-eklat #154

ADVERTISING

Sipat-eklat #154SIPAT: NAKABALIK na sa WOWOWEE si WILLIE REVILLAME.
EKLAT: PAHIYA ang mga NAGPETISYON na PATALSIKIN si PAPI!

SIPAT: Kung TATAKBONG MAYOR ng KYUSI si WILLIE, IBOBOTO raw ni KRIS AQUINO.
EKLAT: OPINYON po ni TETAY ‘yon. Hindi KATAKLESAHAN. Pramis.

ADVERTISING

SIPAT: May mga FANS si TETAY na Pro-HERBERT BAUTISTA tuloy ang na-HURT.
EKLAT: NAG-IISIP naman SILA ngayon kung IBOBOTO si NOYNOY AQUINO?

SIPAT: PAYO ni MANG DOLPHY kay PAPI, HUWAG munang SUMABAK sa PULITIKA. May CAREER pa naman daw siya sa SHOWBIZ.
EKLAT: Oo nga, ‘no? WALANG CAREER na ARTISTA ang nasa POLITICS.

SIPAT: Ay, HINDI naman pala LAHAT, e, WALANG CAREER.
EKLAT: ‘Yung IBA, PALAOS na!

ADVERTISING

SIPAT: UMARANGKADA AGAD ang RATING ng WOWOWEE pagbalik ni WILLIE.
EKLAT: NAGSAWA na ang mga TAO sa COMEDY BAR SHOW nina POKWANG, MARIEL, CHOKOLEIT, at VALERIE.

SIPAT: BUMABABA ang RATING ng DARNA?
EKLAT: LIBRE na nga, BAKA mag-FLOP pa.

SIPAT: HINDI nagre-RATE ang KATORSE.
EKLAT: NAGSAWA na’ng mga MANONOOD sa CLEAVAGE ni ERICH GONZALES.

SIPAT: NASAAN daw ang EBIDENSIYA na MAG-ON sila ni RICH ASUNCION, sey ni ALJUR ABRENICA.
EKLAT: WAIT na lang natin. Baka BUMUKOL… sa ibang PARTE ni RICH?

SIPAT: MINULTO ang PATIENT X movie ni RICHARD GUTIERREZ?
EKLAT: Hala, baka si NOMAR PARDO na ‘yan!

SIPAT: PUWEDE palang MAKULONG si RICHARD ng SIX YEARS ‘pag NANALO ang PAMILYA PARDO sa KASO nila LABAN sa AKTOR.
EKLAT: Siguro, ABUT-ABOT ang DASAL ng mga KAFATID na nasa PRESO.

SIPAT: NAGBANTAY si SHARON CUNETA sa TAPING ng LOVERS IN PARIS ng ANAK na si KC CONCEPCION. HINDI pa raw kasi NARANASAN ng MEGASTAR ang magka-TELESERYE.
EKLAT: Uy, si ATE SHAWIE… NAGPAPARAMDAM!

SIPAT: AYAW ni KC na LAGYAN pa ng GIMMICK ang UNANG TELESERYE niya. Kaya FRIENDS lang daw sila ni PIOLO PASCUAL.
EKLAT: MAHIRAP PANIWALAAN na MAGSYOTA sila?

ADVERTISING