Sipat-eklat #149

Sipat-eklat #149SIPAT:           Si ANGEL LOCSIN na ang GAGANAP na ANAK ni SHARON CUNETA sa MANO PO 6 ng REGAL FILMS.
EKLAT:         Pustahan…. MAGRE-REACT ang FANS ni MARIAN RIVERA!

SIPAT:           PERSONAL CHOICE naman daw ni MEGASTAR si ANGEL.
EKLAT:         AGREE si MOTHER LILY, for sure. NADALA na siya kay DARNA?

SIPAT:           BAKIT daw WALANG GOOD NEWS si MARIANITA sa KOLUM na ‘to?
EKLAT:         Sige, ‘eto: NAISPATAN ng SHOWBIZ REPORTERS ang QUEEN of PRIMETIME ng GMA-7 with DINGDONG DANTES, GRABE ang PDA [Public Display of Affection] nila! KULANG na lang MAGLAPLAPAN ang DALAWA. Wala pang UMAAMIN sa KANILA na MAGSYOTA sila, huh!

SIPAT:           LOVE naman si MARIANITA ng PARAZZI. Siya pa ang nasa COVER ng unang SPECIAL ISSUE, ‘di ba?
EKLAT:         BUMILI naman kaya ang DIE-HARD FANS niya?

SIPAT:           PANSININ n’yo ‘to: Ang ALL MY LIFE nina ALJUR ABRENICA at KRIS BERNAL ay titulo rin ng movie nina KRISTINE HERMOSA at AGA MUHLACH. Ang NOW THAT I HAVE YOU nina MARK HERRAS at JENNYLYN MERCADO ay titulo rin ng pelikula nina JOHN LLOYD CRUZ at BEA ALONZO.
EKLAT:         COINCIDENCE o GAYA-GAYA?

SIPAT:           ALIGAGA na si JC DE VERA, PATAPOS na ang NGAYON AT KAILANMAN, WALA pang PROJECT na NAKA-LINE UP para sa kanya.
EKLAT:         Ayon nga sa KASABIHAN: ‘WAG mong SAKMALIN ang KAMAY na NAGPAPAKAIN sa ‘YO.

SIPAT:           HINDI naman PABABAYAAN ni ANNABELLE RAMA si JC. IPINAGLABAN nga siya ng MATAPANG na BISAYA.
EKLAT:         SABIT nga lang din siya sa GUSOT ng MANAGER. ‘ALL for ONE. ONE FOR ALL!’ ‘ika nga.

SIPAT:           May BIG PROJECT naman pala si JC, sey ni WILMA GALVANTE.
EKLAT:         HINTAY-HINTAY lang siya… ‘PAG TAPOS na ang KASO ng TV EXEC sa MANAGER niya?

SIPAT:           TINAWANAN na lang ni MANNY PACQUIAO ang TSISMIS na NAKITA sila ni ARA MINA sa isang HOTEL.
EKLAT:         ALANGAN namang AMININ niya ‘yon?

SIPAT:           Teka, ANO na pala ang NANGYARI sa IMBESTIGASYON ni JINKEE PACQUIAO sa NATURANG TSISMIS?
EKLAT:         ALANGAN namang SABIHIN ng ESMI ni PACMAN na TAPOS na?

SIPAT:           Sey ni HEART EVANGELISTA, COMPATIBLE sila ni JERICHO ROSALES. MARAMI lang MAAAPEKTUHAN ‘pag MULI silang NAGKASAMA
EKLAT:         Unang-una na ‘yung CAREER nila. HATAKAN sila PABABA nu’ng NAGSAMA sila.

SIPAT:           NON-PERSONA na si DJ MO sa BUHAY ni RUFA MAE QUINTO.
EKLAT:         Ay, MATAGAL na sa GENERAL PUBLIC!

SIPAT:           “NAPANSIN mo ba ang UMBOK sa TIYAN ni MELISSA RICKS?” tanong ng isang TSIKADORA.
EKLAT:         Naku, BUSOG lang siguro…