Sipat-eklat #148

Sipat-eklat #148SIPAT: PANALO ang INDIE FILMS sa INTERNATIONAL FILMFESTS.
EKLAT: DITO sa ATIN, ‘MA’ at ‘PA’ ang mga UTAW.

SIPAT: ‘INDIE’ is SHORT for ‘INDIE MAGANDA’, sey ng isang MATARAY na KRITIKO.
EKLAT: ‘INDIE’ is SHORT for ‘INDIE kasi NAKAKAINTINDI,’ sey naman ni PAPA AZZI.

SIPAT: Sa INTERNATIONAL FILMFESTS pala NAKAKABAWI sa PINUHUHAN nila ang mga INDIE PRODUCERS, ‘no?
EKLAT: Kung DITO lang sa ‘PINAS AASA ang mga ‘yan, SEMPLANG na sa TAKILYA, GUTOM pa sila!

SIPAT: Tulad nitong ENGKWENTRO, WAGI ng 1OO THOUSAND DOLLARS! FOUR MILLION ‘yan sa PERA natin.
EKLAT: May IDEYA na si MOTHER LILY. ISALI sa FILMFESTS sa ABROAD ang TAROT nang MAKABAWI naman.

SIPAT: Pero HINDI pang-INDIE ang APPEAL ni MARIAN RIVERA, ‘no?
EKLAT: Baka HINDI rin MAPANSIN, kaya ‘WAG na lang, MOTHER.

SIPAT: Ang DAMI pa ring FANS ni GOV. VILMA SANTOS ang NAGKAKAGULO sa mall tours niya, promoting IN MY LIFE.
EKLAT: Para nga raw may MITING DE AVANCE!

SIPAT: TURN-OFF si CARDINAL VIDAL kay NOYNOY AQUINO. SUPORTADO raw kasi ni SENADOR ang FAMILY PLANNING METHOD na AYAW ng SIMBAHAN.
EKLAT: Aysus, si PADER, kaya nga BINATA pa rin si NOY, e!

SIPAT: IMBIYERNA ang PHOTOGRAPHERS kay MARICAR REYES sa STAR MAGIC BALL. PANAY kasi ang IWAS sa SHOTS nila.
EKLAT: DAPAT kasi HAYDEN CAM ang DALA n’yo!

SIPAT: ‘FRIENDS’ na lang sila ni KC CONCEPCION, sey daw ni PIOLO PASCUAL.
EKLAT: Si PAPA P talaga PABAGO-BAGO ng ISIP, parang HINDI… GENTLEMAN!

SIPAT: ‘70 PERCENT’ nang SURE si JENNICA GARCIA na MAKIKIPAGBALIKAN siya kay MART ESCUDERO.
EKLAT: ‘Yung ‘30 PERCENT’… para naman sa ISANG YOUNG ACTOR?

SIPAT: NAAPEKTUHAN daw ang CAREER niya nang mag-BREAK sila ni JENNICA, sey naman ni MART.
EKLAT: BREAK-UP talaga? HINDI kaya sa ACTING niya

SIPAT: Ipapa-REHAB si GENEVA CRUZ dahil ALCOHOLIC siya?
EKLAT: Sabagay, VEGETARIAN lang si Geneva. LAKLAK puwede sa kanya.

SIPAT: BAWASAN na raw SANA ni SHARON CUNETA ang pa-CUTE, HINDI na BAGAY sa EDAD niya, sey ng isang MIRON.
EKLAT: Uy, CUTE pa rin naman si MEGA. Parang ang SARAP nga PISIL-PISILIN ng PISNGI niya. Ang PINTOG-PINTOG talaga!