Sipat-eklat #147

Sipat-eklat #147SIPAT: MAGBABALIK na raw si WILLIE REVILLAME sa WOWOWEE sa SEPTEMBER 21.
EKLAT: ANNIVERSARY ng MARTIAL LAW. BALIK-MARTIAL LAW din kaya ang SHOW?

SIPAT: BUMAGSAK nang HUSTO ang RATING ng WOWOWEE?
EKLAT: NAGMUKHA kasing COMEDY BAR.

SIPAT: MAGPAPA-SEX CHANGE si RUSTOM PADILLA aka BB GANDANGHARI?
EKLAT: PATINGIN kami, ha?

SIPAT: Mas MAKABULUHAN ang 30TH ANNIVERSARY ng EAT BULAGA. MAGBIBIGAY sila ng AWARDS sa mga KABABAYAN natin.
EKLAT: HINDI po PAGTITIPID ‘yan. Pramis!

SIPAT: Uy, GUSTO ni KRIS AQUINO na maging ENDORSER ni NOYNOY si DINGDONG DANTES.
EKLAT: Si DINGDONG lang po. HINDI KASAMA si MARIAN RIVERA.

SIPAT: Bakit HINDI pa ISINAMA si MARIANITA?
EKLAT: NANINIGURO lang si TETAY na BOX-OFFICE ang KAMPANYA ni NOY.

SIPAT: PANALO ang EVA FONDA ni CRISTINE REYES sa Seoul International Drama Awards 2009.
EKLAT: I-TEXT kaya ng ‘CONGRATS!’ ni RR ENRIQUEZ si CRISTINE?

SIPAT: PINATAHIMIK na ni JOHNNY ‘MR. M’ MANAHAN si ROXANNE GUINOO sa pagre-REACT sa TARAYAN nila ng isang SHOWBIZ REPORTER.
EKLAT: QUIET ka na, ROXY. Sige, BAKA ma-FREEZE nang TULUYAN ang CAREER mo!

SIPAT: DINUMOG talaga ang COSMO BACHELOR BASH. Ang daming SINGLE LADIES…
EKLAT: Mas MARAMI ang SINGLE GAYS!

SIPAT: BAKIT daw NANDOON si MARK BAUTISTA at RUMAMPA?
EKLAT: BACHELOR din naman SIYA, ah!

SIPAT: ALL-OUT SUPPORT si KRIS BERNAL kay ALJUR ABRENICA. NANDO’N din siya.
EKLAT: BAKA nga NAMAN MASALISIHAN siya… ng mga BADING!

SIPAT: HATAW ang CAREER ni SANDARA PARK sa KOREA.
EKLAT: Si HERO ANGELES, may CAREER pa rin NAMAN. MADALAS siya sa WALANG TULUGAN, ‘di ba?

SIPAT: Blind Item: NAG-TAPING sa isang CALL CENTER ang AKTOR. Habang HINDI pa TAKE, nag-IKOT-IKOT siya sa PLACE. Nagpa-CUTE. DEADMA ang mga TAO sa kanya. NO PANSIN si AKTOR.
EKLAT: Clue: Kaya siguro na-DEADMA ang AKTOR, baka MAUTANGAN pa sila.