Sipat-eklat #136

ADVERTISING

Sipat-eklat #136SIPAT: ‘Di pala talaga MAPIPILIT si MARICAR REYES na MAGSALITA sa SEX VIDEO niya.
EKLAT: HUMALINGHING kaya, puwede?

SIPAT: Uy, ang ex-GF ni HAYDEN KHO, daming KAPAMILYA BOYS ang gusto siyang i-DATE.
EKLAT: Pustahan, NAPASAHAN ng VIDEO ang mga ‘yan!

ADVERTISING

SIPAT: MAGANDA naman kasi talaga si MARICAR, in fairness.
EKLAT: Sa PERSONAL. At lalo sa VIDEO…

SIPAT: “Please tell KUYA GERMS, wala ako’ng INIIYAKANG LALAKI!’ Taray ni RUFFA GUTIERREZ kay MASTER SHOWMAN.
EKLAT: Naka-RELATE si KUYA GERMS?

SIPAT: Nag-POSE na JESUS CHRIST si DINGDONG DANTES sa isang MAGAZINE.
EKLAT: Si RAYMOND GUTIERREZ, puwedeng BUDDHA.

ADVERTISING

SIPAT: DESIDIDO nang PASUKIN ni CARLO J. CAPARAS ang SENADO!
EKLAT: ‘WAG lang KOKONTRA ang mga ELITISTA.

SIPAT: AYAW ng DOS na IPALABAS ang SHOW ni WILLIE REVILLAME sa DAVAO na KASAMA niya si SEN. MANNY VILLAR.
EKLAT: ‘BOTO MO [Papi], AYAW KO [ABS-CBN]!’

SIPAT: ‘Eto pa ang NAKAPILA na IKAKAMPANYA ni PAPI: DE CASTRO, PUNO, at ROXAS.
EKLAT: HANDANG-HANDA na ang LAHAT sa WOWOWIELECTION 2010!

SIPAT: PINAPLANO na ang BIO-PIC ni NINOY AQUINO. Sa role ni MADAM CORY, pasok si VILMA SANTOS. Si PIOLO PASCUAL, ang YOUNG NINOY. Baka i-CONSIDER si WILLIE…
EKLAT: Sa role na ROLANDO GALMAN.

SIPAT: EXTENDED ‘gang SEPTEMBER 20 ang BAKASYON ni PAPI.
EKLAT: Ay, ‘di pala BAKASYON… SUSPENSION ‘yon na UTOS ng MTRCB.

SIPAT: PINATANGGAL na rin ang SEXY DANCE nina LUNINGNING at SAICY AGUILA sa WOWOWEE…
EKLAT: PROTESTA ng mga BARAKO: ‘Ang KJ ng MTRCB!’

SIPAT: MALABO na raw BUMALIK si PAPI sa WOWOWEE.
EKLAT: TARGET na niya… SENADO!

SIPAT: MAIIWAN sina POKWANG, MARIEL, VALERIE at CHOKOLEIT…
EKLAT: PALITAN na’ng TITULO ng SHOW: ‘WOWOWEE COMEDY BAR!’

SIPAT: IMADYININ n’yo kung si POKWANG at si CHOKOLEIT ang PAPALIT sa PORTION nina LUNINGNING at SAICY…
EKLAT: HINDI na WOWOWEE ‘yan. ANIMAL PLANET na.

ADVERTISING