Sipat-eklat #130

ADVERTISING

SIPAT: May THIRD PARTY sa SPLIT-UP nina LUIS MANZANO at ANGEL LOCSIN.

EKLAT: Kung LALAKI o BABAE… kukumpirmahin pa!

ADVERTISING

SIPAT: IDEAL HUSBAND si SAM MILBY, sey ni ANNE CURTIS.

EKLAT: Talagang UMAASA pa na MAGKAKABALIKAN sila, ‘no?

SIPAT: Ang GAGANDA nina ANGEL at ANNE, MALAS lang sa LOVELIFE, ‘no?

ADVERTISING

EKLAT: Uy, puwede na silang mag-COMPARE NOTES. Pareho na silang EX ni LUIS, e!

SIPAT: ‘KAINGGIT si LUIS, NATUHOG niya, e DARNA at DYOSA…

EKLAT: Pati BOX-OFFICE KING, NAKALAPLAPAN niya pa!

SIPAT: Teka, si SAM MILBY ay ex-BF ni ANNE, si ANGEL ay EX na ngayon ni LUIS.

EKLAT: LIBRE na pala sina SAM at ANGEL ngayon… na MAGTSUGIAN?

SIPAT: Sina OYO BOY SOTTO at KRISTINE HERMOSA, GOOD FRIENDS lang. Sina DINGDONG DANTES at MARIAN RIVERA, ayaw pang AMININ ang RELASYON nila.

EKLAT: Ganyan talaga ‘pag nasa HONEYMOON STAGE pa, ENJOY pa sila sa isa’t isa.

SIPAT: AAMIN din ang mga ‘yan. WAIT na lang tayo…

EKLAT: ‘Pag BREAK na sila!

SIPAT: TIYAK na may AAMIN sa kanila, PUSTAHAN pa!

EKLAT: ‘Pag may NABUNTIS sa kanila.

SIPAT: WALA raw ANAK si JAYCEE PARKER kay DANILO BARRIOS.

EKLAT: Naku, ganyan din ang DENAY ni AUBREY MILES dati. ‘Di ba, ‘NAY CRISTY?

SIPAT: MASAKLAP nito, ‘yung akala ni DANILO na ANAK niya kay JAYCEE, TATAY pala ay iba?

EKLAT: ‘Naykupo, MARAMI pala sila!

SIPAT: Uy, si JOHN LLOYD CRUZ, FRIENDLY na naman sa EX-SYOTA niyang si LIZ UY!

EKLAT: Gumagawa ng ibang INGAY, para RELASYON nila ni RUFFA GUTIERREZ ‘di na masyadong HALATA…

SIPAT: Isang CONTESTANT sa WOWOWEE biglang NANAWAGAN: ‘PAPI, ‘balik ka na. MISS na MISS ka na namin!’

EKLAT: PINUTOL ni POKWANG ang PANAWAGAN! ‘Kaaliw ka talaga, POOKEY!

SIPAT: Tungayaw ng isang dating CONTESTANT sa WOWOWEE: ‘Lintek! MAGHAPON kami do’n na NAGHINTAY. NAGUTOM kami. Nang dumating si PAPI. May IPINAMUDMOD…’

EKLAT: PERA? ‘HINDI!’ kontra ng dating contestant. ‘PANDESAL!’

SIPAT: Hoy, MANONG! ‘Buti nga namigay si PAPI kahit pandesal, ‘no!

EKLAT: ‘Yung mga NAG-RALLY na NAULANAN at NABASA, ‘di NAKATIKIM kahit pandesal! NAGTIIS talaga sila!

SIPAT: Gano’n nila KAMAHAL at gano’n sila ka-LOYAL kay WILLIE…

EKLAT: Na ENJOY na ENJOY sa kanyang YATE habang sila e, nagra-RALLY!

By Papa Azzi

ADVERTISING