Sipat-eklat #128

ADVERTISING

SIPAT: INULAN ang mga nagra-rally para IBALIK si WILLIE REVILLAME sa WOWOWEE.
EKLAT: Sabi siguro sa TAAS: ‘Wag na kasing MAKULIT!’

SIPAT: At least, may LOYAL SUPPORTERS si PAPI.
EKLAT: Mga 50 KATAO din ‘yon!

ADVERTISING

SIPAT: Ay, hindi lang pala ulan ang NAGTABOY sa mga NAGRA-RALLY.
EKLAT: KULANG ang BUDGET, pa’no nga naman kung sila ay MAGKASAKIT?

SIPAT: BABALIK na pala si WILLIE sa WOWOWEE sa SABADO.
EKLAT: Hindi lang SIGURADO kung THIS YEAR, NEXT YEAR o after TEN YEARS.

SIPAT: Sure daw ang PAGBALIK ni PAPI. Pramis.
EKLAT: Kaya nga KABADO na naman sina POKWANG, MARIEL at VALERIE.

ADVERTISING

SIPAT: BORING na guest host si GABBY CONCEPCION sa WOWOWEE.
EKLAT: ‘Buti na ‘yon, kesa BASTOS.

SIPAT: ‘KUYA at ‘wag DAD’ ang gustong ITAWAG ni GABBY sa kanya ng suitor ni KC CONCEPCION na si PIOLO PASCUAL.
EKLAT: KERI na ‘yan, ATE!

SIPAT: BINILI na ng KAPAMILYA ang KONTRATA ni GABBY kay MOMMY ROSE FLAMINIANO.
EKLAT: Hindi PUMAYAG si Mommy Rose na SWAP si WILLIE kay GABBY…

SIPAT: Walang NILABAG na KBP CODE OF ETHICS si WILLIE, DEPENSA ng DOS.
EKLAT: GOOD MANNER lang naman ng isang PINOY ang na-VIOLATE niya, KAPAMILYA!

SIPAT: Uy, si CLAIRE DELA FUENTE, inalok ng KASAL ng singer na si DAVID SOUL!
EKLAT: Sino ba si David? MA at PA!

SIPAT: Si DAVID SOUL ang nagpasikat ng love song na DON’T GIVE UP ON US. May EDAD na.
EKLAT: ‘Yan din ang tiyak na kakantahin niya sa FIRST NIGHT nila ni ALING CLAIRE!

SIPAT: SEXCAPADES nina IZA CALZADO at syota niya, IKINAKALAT ni SUNSHINE DIZON?
EKLAT: Saka na tayo maniwala, ‘pag may SEX VIDEO na.

SIPAT: Bakit naman kasi pati SEXCAPADES, sine-share pa kay SUNSHINE?
EKLAT: Uyyy… si IZA, nang-iinggit! SEXLIFE kasi ni SHINE, bokya pa rin…

By Papa Azzi

ADVERTISING