Sino nga ba sila?
Kissing Scandal Pic, Pinagpipiyestahan sa Twitter!

ADVERTISING

<i>Sino nga ba sila?</i><br> Kissing Scandal Pic, Pinagpipiyestahan sa Twitter!

<i>Sino nga ba sila?</i><br> Kissing Scandal Pic, Pinagpipiyestahan sa Twitter!PINAGPIPISTAHAN SA twitter kagabi ang isang stolen picture kung saan kuha ito sa loob ng kotse. At ang pinaghihinalaan nga ng ibang twitter followers ay magdyo-wang Melissa Ricks at Paul Jake ito.

ADVERTISING

Agad namang nilinaw ni Melissa sa kanyang twitter account na hindi sila ‘yon.

‘Yung iba naman, kahit malabo ang shot, baka raw sina Piolo Pascual at Maja Salvador itong naghahalikan sa kotse.

Gano’n?

ADVERTISING

Anyway, hindi pa rin namin maaninag kung sino ang dalawang bagets na ito. Ang malinaw lang sa amin ay me kumalat na picture. Hahahaha!

Kayo, sino sa palagay n’yo ang dalawang ito?

 

MERON PA ring nalalabing kilig sa tambalang Kim Chiu at Gerald Anderson. Actually, marami-rami pang kilig, dahil isang example diyan ay ‘yung dalawa kong anak (11 and 8 yo) na kilig na kilig sa episode nila sa 24/7 In Love.

Kahit hindi na sila, nakaarte sila nang tama sa naturang episode. Para ngang magdyowa pa rin kahit na waley na sila, eh.

Hindi kaya manumbalik ang kanilang pagtitinginan?

Pero ang dinig namin, nahuhulog na masyado si Kim sa kanyang ka-loveteam na si Xian Lim. Sobrang maasikaso raw nito at ‘yun ang gustung-gusto ni Kim, ‘yung girl na girl ang dating niya sa lalaki.

Pero sana nga, totoo si Xian sa nararamdaman nito para kay Kim, dahil mahirap nang umasa sa wala.

 

KUNG HINDI nagpakita naman ng puwet itong si Diether Ocampo sa 24/7 In Love ay tiyak na ang mapapansin namin ay ‘yung ba’t bigla yatang tumanda at natuyot ang itsura niya?

Nasobrahan ba ito sa pagpapaganda ng katawan?

Buti na lang kamo, ang ganda ng puwet niya kahit pa may tattoo siya rito.

In fairness, noon pa ay may nagsabi sa amin na naka-chever ni Diet sobrang maganda ang puwet ng aktor talaga. Chicken legs lang daw talaga ito. “Pero hindi na ‘ko choosy, ‘teh! Ang ganda naman ng borta (katawan) ng lolo mo! Saka keri na ang size ng notes. Hindi naman daks, pero hindi naman din dyuts. Kumbaga sa Coke, sakto lang!”

Hahahaha!

Hay, nako… hindi namin sasabihin kung ano’ng “uri’ ang nagdayalog niyan. Hahahaha!

HINDING-HINDI MAKALILIMUTAN ni Boom Labrusca ang Ar-yana. Pa’no kasi, dito sila na-ging close at ayan, magsyota na sila ng sirenang si Desiree del Valle habang syokoy naman si Boom dito.

Pareho na namang single ang dalawa. At alam naman ni Des na may anak na si Boom sa ex-girlfriend nito.

Basta kabilin-bilinan namin sa kanila, i-enjoy muna nila ang isa’t isa at ‘wag nang ga-wing kumplikado ang kanilang relasyon. Mahirap ang buhay at hindi rin sigurado ang “kabuhayan showcase” sa showbiz.

Hehehehe!

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING