Sino ang ‘The One’ ni Bianca Umali kina Prince Carlos, Gab Moreno at Carlo San Juan sa ‘The Signs’?

AT ONE POINT in our lives ay humingi tayo ng ‘signs’ kay Lord para ipakita sa atin kung sino ang ‘The One’ natin. Aminin niyo ‘yan! Usong-uso ‘yan kapag nasa elementary o high school, when most of us are idealistic when it comes to love.

Sino ang 'The One' ni Bianca Umali kina Prince Carlos, Gab Moreno at Carlo San Juan sa 'The Signs'?
Bianca Umali with Carlo San Juan, Prince Carlos and Gab Moreno

Ito ang paksa ng pakilig ng Regal Studio Presents ngayong Sunday, October 10 sa ‘The Signs‘ episode na pinangungunahan ng Legal Wives star na si Bianca Umali, na kitang-kita na habang tumatagal ay lalong gumaganda! No wonder talaga na tatlong promising
young actors ng Kapuso Network ang ipinares sa kanya. Suwerte nila, ha? Marami ang nagsasabing dream girl nila si Bianca Umali kaya talagang they’re considered as lucky newbies!

Sa ‘The Signs’, Bianca is Moira, isang modern-day girl pero old-fashioned at naniniwala sa signs when it comes to love. Paano kung three guys na tinutumbok ng signs ang magpakita on the same time? Haba ng hair mo, girl!

Prince Carlos plays the basketball hottie Paul. Siya ang first prospect ni Moira dahil nasa kanya lahat ng signs. Pero umeksena rin si Patrick, ang architect na pasok din sa qualifications niya played by Gab Moreno. Gugulo pa more with Carlo San Juan as Neil, ang new neighbor na makulit at nakakainis! Pero wait… what if siya ang ‘The One’ ng ating bida?

Discover three new promising hearthrobs at sabayan natin si Bianca Umali na kiligin ngayong araw sa Regal Studio Presents ‘The Sign’ at 4:35PM pagkatapos ng Dear Uge.