Sino ang magiging kapareha ni Marian Rivera sa Darna?

ADVERTISING

INANUNSYO NA NOONG Abril na si Marian Rivera na nga ang susunod na lilipad bilang Darna sa telebisyon. Kamakailan lang ay inilabas na ang teaser ng mga aabangang palabas ng GMA-7 Telebabad na kinabibilangan ng Rosalinda (Carla Abellana and Geoff Eigenmann), Survivor Philippines (Paolo Bediones), Stairway to Heaven (Dingdong Dantes) at Full House (Richard Gutierrez). Sa wakas ay nasilayan na rin ng mga Kapuso ang bagong Darna complete with costume. Bongga, diba?!

Medyo naiinip na ang mga tao dahil hanggang ngayon ay wala pa rin balita sa kung sino ang magiging kapareha ni Marian Rivera sa nasabing palabas. Sino kaya ang lalabas na Efren, ang lalaking tunay na iniibig ni Narda/Darna?

ADVERTISING

Maraming pangalan na kaming narinig: May gustong si Mark Anthony Fernandez dahil daw sa leading man appeal nito. Meron din naman ang boto sa ex-bf ng aktres na si Mark Herras. Narinig din namin ang ilang tagahanga na gustong makita muli ang huling gumanap na Efren na si Dennis Trilloi. Sino nga ba talaga ang bagong Efren na kakikiligan ng lahat? Kayo mga kaparazzi, sino ang bet ninyo? Vote na!

ADVERTISING