SINISISI DAHIL SIYA ANG ENDORSER: Coco Martin, damay sa abusadong partylist na nirekomenda

ADVERTISING

SINISISI DAHIL SIYA ANG ENDORSER: Coco Martin, damay sa abusadong partylist na nirekomenda

SINISISI DAHIL SIYA ANG ENDORSER: Coco Martin, damay sa abusadong partylist na nirekomenda
Coco Martin

‘YAN ANG MAHIRAP kung nage-endorso ka ng mga tao na hindi mo talaga kilala ang katauhan. Mahirap i-push kung hindi mo alam ang pagkatao nila.

Sa kaso ni Coco Martin, sa tingin ko, biktima siya ng mga taong ginamit ang magandang imahe niya bilang si Cardo Dalisay sa serye niyang “Ang Probinsyano,” noong nakaraang eleksyon ng partylist na Ang Probinsyano pa man din na iisipin mo, sa magandang image ng aktor sa serye, positibo ang partylist at ang mga tao behind the group.

Noong unang lumabas ang political ads ng partido, si Coco kaagad ang pumasok sa isipan ko. Sa pangalan pa lang, wala ka na iisipin na baka grupo yun ni Cardo Dalisay synonymous to Coco ang vice versa.

Pero nagulantang kami nang maging viral sa social media ang ads nila with Coco as their celebrity endorser. Biglaan yata, walang foreshowing na may ganun political goal ang aktor.

ADVERTISING

Sa ganang akin, mali yata ang inindorso ng aktor dahil ang official representative ng partylist na si Rep. Alfred delos Santos ay hot topic ngayon (kahit nag sorry na siya) sa pananapak niya sa isang service crew ng isang fastfood.  Under the influence of alcohol pa daw ito nang saktan ang biktima ng kanyang karahasan.

Halatang ginamit lang ng partylist ang popularidad ng aktor at ang magandang rating ng aksyon serye.

Maganda ang image ni Coco. Never ako nakabalita na may pananakit ito na nagawa sa ibang tao.

Reaksyon ng mga kausap ko, dapat daw ay hindi nagpagamit ang aktor kahit tapatan man ng milyones ang endorsement niya.

Kaso, kahit saan mo man tingnan (‘di natin alam kung ano ang naging deal nila), hindi tama ang pananakit.

Next time, Coco, hindi lahat ng gagawin mo ay pera lang ang sukatan. Ang laki ng tiwala sa iyo ng publiko bilang idolo nila.

Sa kabila ng mga atake at di pagsangayon ng publiko sa ginawang pananakit ng official representative ng Ang Probinsiyano, wala pa official statement na inilabas mula sa kampo ng aktor.

SINISISI DAHIL SIYA ANG ENDORSER: Coco Martin, damay sa abusadong partylist na nirekomenda

I suggest, Coco, huwag ka na muli magpagamit sa mga bulok na politiko, sa mga inuuod na trapo.

Teka, ok na ba sila ni Julia Montes? Inamin na ba niyang ama siya nang isinilang ni Julia?

Sabi kasi, dinamdam ng aktres ang denial ng “rumored” boyfie sa bata na, for me, kung totoo man, e, nothing to worry si Coco.  Hindi na naman siya teen idol na kahanay nina Joshua Garcia or Donny Pangilinan.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING