Sinisiraan kasi ang current dyowa: Sikat na male personality, sinupalpal ang ex-GF

ADVERTISING

BLIND ITEM: Supalpal ang ex-girlfriend ng isang sikat na male personality makaraang pagsisigawan nito dahil sa kanyang mga ipino-post sa social media laban sa kasalukuyan nitong nobya.

May pagkamalisyoso na kasi ang mga pahayag ng babaeng ‘yon, na tila hindi niya matanggap na matagal na silang wala ng dating nobyo. Oo nga’t nagbunga ang kanilang romansa noon (na katunog ng pangalan ng current girlfriend ng male personality), pero bahagi na lang ‘yon ng nakaraan na hindi na maaaring ibalik pa.

Sinu-sino ang mga karakter sa kuwentong ito? “Corporate jologs” ang form of address sa sikat na male personality. “Heavenly” naman ang dating ng kanyang matagal nang nakarelasyon.

By Ronnie Carrasco

ADVERTISING