Singer-songwriter Gio de Vera, magku-concert sa Hard Rock

ADVERTISING

Singer-songwriter Gio de Vera, magku-concert sa Hard Rock

Gio de Vera
Gio de Vera

Isang taon na pala sa music industry ang singer-songwriter na si Gio De Vera at para i-celebrate ang kanyang unang taon ay magkakaroon siya ng concert sa Hard Rock Café (Makati) on November 30, 8 p.m. na ang title ay “Gio@1”.

Sabi ni Gio, “Ito ang way ko to celebrate my first year sa music industry. Kasama sa mga repertoire ko ang mga kanta nina Michael Jackson at Stevie Wonder na mga music influence ko. Meron ding OPM songs at ‘yung iba kong komposisyon.”

Of course, maririnig din ng audience ng Hard Rock ang kanta niyang “Kahit Kailan” na ginamit na themesong ng Pinoy Big Brother para mas paigtingin ang love triangle nina McCoy de Leon, Elisse Joson, at Jerome Ponce.

Meanwhile, bida si Gio ng musical na “Aman Sinaya, Legend of the Ocean” na itinatanghal sa Ocean Adventure in Subic Bay. Nagsi-show rin siya sa gabi sa Kamayan Beach Resort.

ADVERTISING

Available na rin sa iTunes at Spotify ang second single niyang “Ikaw Na Pala” na nakatakda namang i-release next year.

For tickets to his Hard Rock concert, contact 0936-8468572.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING