Singer-actress, nawalan na ng weekly show, problemado pa sa ipinatatayong bahay

ADVERTISING

BLIND ITEM: Double whammy ang kinakaharap ngayon ng isang sikat na singer-actress.

Bukod kasi sa sinibak na niyang weekly show, problemado ang mang-aawit-aktres sa ipinatatayong bahay which is almost in the completion stage. And why?

ADVERTISING

Diumano, pag-aari ng partido ng kanyang asawa ang loteng may kung anong problemang legal. Ugat tuloy ito ng matinding sakit ng ulo ngayon ng singer-actress. Da who ang kunsumidong bida sa kuwentong ito?

Itago na lang natin siya sa alyas na Chicharon Serenata!

By Ronnie Carrasco

ADVERTISING
ADVERTISING