Singer-actor, girl na girl kumilos sa loob ng kotse!

MATAGUMPAY ANG GINANAP na special screening ng You To Me Are Eveything last Thursday, May 6, sa The Block ng SM City, North Edsa. Sponsored ito ng mga fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera bilang pagsuporta sa pelikula ng kanilang mga idolo. Ang nakatutuwa pa sa fans nina Dingdong at Marian, kahit expected nilang hindi makararating ang mag-sweetheart, buong-buo pa rin nilang ipinakita ang pagmamahal nila sa on- and off-screen lovers. Walang bahid na pagkadismaya sa kanila. Pero, siyempre, mas masaya raw sana ang event kung nandoon sina Dingdong at Marian. That day ay may shooting daw kasi ang dalawa para sa TV commercial ng produktong ineendorso nila.

As of this writing, patuloy na tumatabo sa takilya ang You To Me Are Everything. Nagdagdag na nga raw ng mga sinehan. Ang first day na kita nga raw nito ay P16-M na, kaya kung magpapatuloy ang hatak nito sa mga manonood, certified blockbuster na ang pelikula.

Napanood namin ang movie nu’ng first day showing nito. Very entertaining ang kabuuan nito. Sabihin nang ‘formulaic’ at ‘tailor made’ para pakiligin ang fans nina Dingdong at Marian, kakaiba talaga ang on-screen chemistry ng dalawa for this movie. Malaking factor na siguro ‘yung in-love talaga sa isa’t isa sina Dingdong at Marian.

Isa pa raw dahilan sa paglakas ng pelikula ay ang word-of-mouth publicity nito. Bawat makapanood kasi ay nagsasabing maganda nga ito. Tulad namin, if you want a break sa month-long na pulitika, panoorin n’yo ang You To Me Are Everything, mas mag-e-enjoy kayo kesa sa Iron Man 2 na mas marami ang daldalan kesa aksiyon.

WALA RAW PROBLEMA sa Brapanese model-turned-actor na si Fabio Ide kung mahalikan siya sa pisngi ni Allan K, o siya ang humalik sa pisngi ng TV host-comedian. Pero kung sa lips? “’Wag na ‘yon. No. It’s not that I don’t like Allan, pero ‘wag na ‘yon,” natatawang sagot ng model-actor.

May isang instance kasi sa show nina Allan K at Eugene Domingo, ang Comedy Bar, na kunwa’y hahalikan niya ang komedyante sa pisngi pero biglang lumingon ito, kaya muntik nang mahalikan ni Fabio si Allan K sa bibig.

“Allan is a very funny guy, but no kissing him in the mouth,” muling natatawang turan ni Fabio.

At home na sa Pilipinas ang Brapanese model. Kung saan-saan na raw siya nakapag-model na mga bansa, pero iba raw ang warmth na naramdaman niya sa mga Pinoy. Aniya, “Everyone here is so nice. Laging naka-smile. I feel very much at home dito.”

Aminado naman si Fabio na mas matindi ang competition sa modeling at showbiz sa bansa niyang Brazil, kaya masaya siya na nabibigyan siya ng break dito sa atin. “It’s really, really different in Brazil. It’s really tough to enter showbusiness there. There are those who have different intentions on you. You know what I mean,” banggit pa ni Fabio.

Siyempre, happy rin si Fabio na nakatrabaho sina Dingdong at Marian sa You To Me Are Everything.

BLIND ITEM. NAKATABI SA ng ating source ang kotse ng singer-actor sa parking, kung saan may concert ang mga friends ng ating bida. Tinted ang kotse ng singer-actor, pero namukhaan siya ng source dahil nagbukas ito ng ilaw para mag-ayos ng sarili bago bumaba ng kanyang kotse.

Pinigilan na lang ng ating source na matawa nang malakas nang masaksihan niya na pa-girl na nag-lipstick ang singer-actor with matching pouting of the lips pa at hawi ng hair. Tinted din ang kotse ng source, kaya hindi namalayan ng singer-actor na may tao sa loob ng kotseng katabi niya. Girl na girl daw talaga kung umasta ang singer-actor habang nag-aayos ng sarili sa loob ng kanyang kotse.

Bore Me
by Erik Borromeo

Previous articleAngel Locsin, kinompronta si Pauleen Luna!
Next articlePa-istaran sa Star Awards!

No posts to display