Singer-actor, ang lakas ‘magpa-putok’!

ADVERTISING

NAISPATAN NG ISANG fan ang singer-actor na ito sa isang shopping mall. Agad siyang nagpapiktyur sa ating bida. Simple lang ang get-up ng singer-actor – white T-shirt and jeans, pero mukhang kagagaling lang sa isang event.

Pumuwesto ang dalawa habang naghihintay ng click ng digicam. Super dikit ang fan at inakbayan naman siya ng singer-actor. Bahagyang napangiwi ang fan, pero hindi niya ito pinahalata. Nang makalayo na ang singer-actor, ibinuking na ng fan ang nadiskubre niya sa iniidolo.

ADVERTISING

May ‘putok’ ang singer-actor at nalanghap niya ito! “Kumpirmado na may amoy siya. Akala ko, tsismis lang. Totoo pala!” ang sey pa ng fan ng singer-actor.

(By Erik Borromeo)

 

ADVERTISING

 

ADVERTISING