SINE KABATAAN: NYC Chairperson Aiza Seguerra, may paandar sa mga bagets

ADVERTISING

SINE KABATAAN: NYC Chairperson Aiza Seguerra, may paandar sa mga bagets

SINE KABATAAN: NYC Chairperson Aiza Seguerra, may paandar sa mga bagets
NYC Chairperson Aiza Seguerra with DSWD Sec. Judy Taguiwalo


MAGANDA ANG PROJECT ng National Youth Commission (NYC) under the leadership of Aiza Seguerra as Chairperson with the help of Liza Dino of the Film Development Council of the Philippines (FDCP) na Sine Kabataan, kung saan sanib-puwersa ang FDCP, MTRCB at NCCA

 

Marami ang natuwa sa Memorandum of Agreement (MOA) ng NYC at FDCP kasama ang MTRCB dahil nakikita ang kanilang pagpupursige, na hindi lang “for the sake of art”, kundi para pakinabangan ng mga kabataan sa pakikipagtulungan din ng National Commission for Culture and the Arts (NCAA).Narito ang panawagan ni NYC Chair Aiza Seguerra para sa lahat ng mga kabataan na interesado:

 ” Calling young filmmakers, enthusiasts and hobbyists, this is for all of you. The National Youth Commission (NYC), the National Commission for Culture and the Arts (NCCA), and the Film Development Council of the Philippines (FDCP) spearhead Sine Kabataan, a short film competition for the youth that showcases the current issues affecting them.

 

ADVERTISING

“We believe that film making is one potent medium that the youth can utilize as an opportunity to express their sentiments about issues confronting their generation more creatively.”

 

Sa papamamagitan ng Sine Kabataan, magkakaroon ang kabataan ng pagkakataon na maitawid nila ang kanilang mga mensahe sa pamamagitan ng mga short films na sila mismo ang magpa-plano, magre-research, magususulat, magsu-shoot at magpe-presinta sa mga isyu na kanilang kinasasangkutan tulad ng mental health, bullying, youth in peacebuilding, domestic violence, teenage pregnancy, HIV/AIDS, among others, which are not easy to deal with. But because of these are real life scenarios, the youth can draw inspiration from them in developing their short film.
 
Dagdag pa ni NYC Chairperson Aiza: “Kailangan na mapalawak ang pang–unawa sa damdamin ng mga kabataan. Mahalagang malaman natin lahat kung ano ang kanilang pananaw sa mga kaganapan sa kapaligiran.
 
 “Kadalasan ay nag-uugat ang di pagkakaunawaan dahil walang pamamaraan para maihayag ang saloobin nila. Ang Sine Kabataan is one great chance and a giant step to acknowledge the youth’s creativity and innovativeness in translating their real life’s journey into a short film.” paliwanag nito. 
 
Ang mga requirements para sa mga sasali sa patimpalak para sa Sine Kabataan ay ang sumusunod: Open sa lahat ng mga amateur filmmakers mula edad 18 to 24 years old. Prizes in cash and in kind await the winners.
 
Ang mga finalist para sa Sine Kabataan Short Film competition ay itatampok at ipapalabas sa Pista ng Pelikulang Pilipino kung saan mga full length films naman na kasali ay naka-schedule mapanood sa August.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING