Sinabihan ni Anne Curtis na ‘adik’ si John Lloyd Cruz
Angelica Panganiban, mapigilan kayang ipagtanggol ang dyowa?

ADVERTISING

<i>Sinabihan ni Anne Curtis na ‘adik’ si John Lloyd Cruz</i><br> Angelica Panganiban, mapigilan kayang ipagtanggol ang dyowa?

Angelica-PanganibanHUMINGI NA ng sorry si Anne Curtis sa kanyang mga fans sa naging behavior niya sa isang bar kung saan walang kaabug-abog niyang sinampal ang nabungaran niya paglabas niya ng CR ng Prive. Kasama na roon si John Lloyd Cruz.

Si Anne lang ang nagsalita thru Twitter. Wala pang naririnig kay John Lloyd, lalo na sa isyung sinabihan siyang “You’re an addict!” ni Anne. Ba’t naman nasabi nga ‘yon ni Anne? Ano’ng proof niya na addict nga si JLC? Saan?

Sa pag-ibig kay Angelica Panganiban? ‘Pag sumagot si Angge para ipagtanggol ang boypren niya, nako, eh wala ring preno ang bibig nito ‘pag gustong isambulat ang kanyang damdamin for as long as she’s expressing her feelings and telling the truth.

Sana nga, deadma na ito. Pero kung hindi talaga mapipigilan si Angelica at magsasalita siya in defense of JLC, eh abangan natin ‘yan.

ADVERTISING

 

PERO SA totoo lang, may ilan kaming kilalang artista na talaga namang hindi kuntento nang umiinom lang hanggang sa malasing. Gusto nila, sinusundutan pa ng cocaine o ecstacy para mas bongga ang tama. Ayaw na naming pangalanan, dahil obviously, wala namang aamin na sumusundot sila.

Huwag lang talaga silang pahuhuli na sumusundot o tumitira ng droga. ‘Pag sila nakuhaan ng video sa celfone, lagot! Puwedeng gawin itong pam-blackmail sa kanila. Huwag din silang pakasisiguro na lahat ng nakapaligid sa kanila ay kaibigan nila, dahil madalas na ang kaibigan pa ang pahamak.

Totoo ‘yan.

 

MAY NAGTANONG sa amin, “Bakit may mga sikat na artistang tumitira pa ng droga imbes na alagaan nila ang image nila dahil nga sikat sila?”

Kahit kami nga, kahit hindi kami psychologist o psychiatrist ay inaanalisa namin kumbakit nga ba gano’n?

Malakas ang loob naming sumita ng mga nagdo-drogang artista, dahil ilang artista na rin ang nag-aalok sa aming tumikim, pero ‘yan ang ipinangako namin sa sarili at sa Diyos, na hindi kami titikim. Kahit pa sabihin nilang, “Para hindi ka lang magmukhang tanga,” eh hayaan n’yo nang maging tanga kami kesa naman gawin ang isang bagay na labag sa kalooban namin.

Angelica-PanganibanPero gano’n nga yata talaga. ‘Pag me pangalan na ang ibang artista, feeling nila, saka nila nararamdaman ang kalayaan nila sa mata ng mga tagahanga pag sila’y nasa piling ng mga kaibigang tumitira rin.

#AlamNa.

 

IBINUKO NI Kris Aquino nang walang kamali-malisya na dumadalaw madalas sa set ng My Little Bossings ang “bossing” ni Bossing Vic Sotto na si Pauleen Luna, kaya pala nasabi ni Kris na ‘wag na silang i-link ni Vic, dahil talagang super friends lang sila nito.

“‘Yun lang pumayag si Vic na makasama ang anak ko, sobrang happy na ‘ko, eh. Mas maganda na sa isang professional na tao at mabait mapunta si Bimby, panatag na loob ko. Mahilig pa sa bata si Vic, kaya love na love siya ni Bimby.”

One of the Filmfest entries ang My Little Bossings at ngayon pa lang ay may hukbo ng sandatahang lakas ng mga fans si Bimby, huh! Alam naman natin na pinaghalong fans ito ni Kris at ng ama nitong si James Yap, kaya hindi na masyadong nahirapan si Bimby na maka-penetrate sa showbiz.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING