Simon Ibarra, nagwala sa set ng Whattpad Presents

ADVERTISING

Simon Ibarra, nagwala sa set ng Whattpad Presents

Simon-IbarraSUMABOG ANG balitang “nagwala” raw sa set ng Whattpad Presents… Fake Fiance ang character actor na si Simon Ibarra, isang alaga ng batikang talent manager na si Ed Istrella, na manager rin ni Cherry Pie Picache, etc.

Bida sa nasabing episode ng TV5 love series ang Artista Academy winners at Kapatid homegrown artists na sina Vin Abrenica and Sophie Albert, at direktor si Jade Castro.

Sa Facebook, may pinost ang Assistant Director ng serye na si Direk Han Salazar na “nagwala” raw itong si Simon, dahil matagal siya bago makunan sa taping. Pero mariing pinabulaanan ito ng aktor, at sinabing “biruan” lamang ang lahat.

“Nagwala si Simon Ibara sa taping ng Wattpad dahil ang calltime niya is 3pm, pero 8pm na hindi ko pa siya nakukunan. Hindi naman daw siya talent, artista raw siya,” ang post ni Direk Han.

ADVERTISING

Dagdag niya sa comments thread: “Kaya siya kinoll ng 3pm, kasi, target makunan ‘yung scene niya ng 4pm.

“Kaya lang, nagkaproblema sa paglipat ng location.

“And besides, nung dumating siya, nag-usap agad kami na hindi ako ang kukuha sa kanya kundi yung Unit 2 at nagkaroon kami ng delay sa paglipat ng location.

“Isang sequence lang siya, at waiting din yung Unit 2, dahil priority ‘yung mga scenes na kinukunan ng Unit 1 (kami ‘yon).

“Well, okay lang na magalit siya, kaya lang nag-react ‘yung mga kasama niyang artista sa tent, kasi hindi siya kilala,” kuwento ni Direk Han.

Pag-amin ni Direk Han, may co-actors lamang ang “nagparating” sa kanya ng isang warning na galit na galit na raw si Simon sa kanya.

“Co-actors niya ang nagkuwento sa akin. Warning daw, sabi sa akin ng co-actor, may galit na galit sa akin.

“Sabi daw ni Simon, ‘3pm ang call ko sa kanya’, tapos, 8pm na hindi pa siya nakukunan, eh, hindi naman daw siya talent, artista daw siya.

“Sabihin daw sa AD na suntukan na lang daw kami kung gusto ko. Sobrang galit na galit daw.

“Hindi ko hinarap si Simon nung nagwawala siya, ‘yung EP (Executive Producer) ang kumausap sa kanya.

“Hindi rin ako nag-sorry bilang hindi ko nararamdaman na may kasalanan ako.

“Dati ko nang naririnig na may attitude siya, pero hindi ako naniniwala hanggang nangyari sa akin ito. Hope na hindi na kami magkatrabaho…” sabi ni Direk Han.

For fairness’ sake, kinuha namin ang panig ni Simon Ibarra, sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.

“‘Hindi accurate ‘yung post niya at ‘yung term niya na ‘nagwala’. Mali ‘yun,” paglilinaw ng aktor.

“Dumating ako ng 3pm, tapos 10pm, di pa ako nakukunan, pero ayos lang ‘yun.

“Tapos, dumating si Ahron Villena. Tinanong niya ako kung nasalang na, sabi ko, ‘di pa. Dumating ung P.A. (production assistant). Sabi, ‘Kuya Ahron, ikaw na.’

“Doon nag-umpisa ‘yung BIRUAN, sumali pa si Vin Abrenica sa biruan.

“1st day nangyari ‘yun. Tapos noong 2nd day ko sa Wattpad, may nagbulong sa ‘kin na masama daw ang loob ni Han sa ‘kin.

“Kaya nang mapak-ap ako ng 5am, kinausap ko muna siya bago ako umuwi re: that matter.

“Nag-explain ako sa kanya at puwede niya tanungin ‘yung dalawa (Vin and Ahron).

“Sabi niya, ‘No problem, ok lang ‘yun…’ Tapos, nag-post siya ng ganon. Tsk tsk tsk!” himutok ni Simon.

Ipinagdiinan ni Simon na ayaw niyang patulan ang issue, dahil ayaw raw niya ng negativity.

“Ayaw ko patulan ‘yan, Mell. Negative sa buhay ‘yang ganyan, hehehe. Mas masarap maging masaya.

“Ikaw bahala, pero please sa positive side lang. Ayaw ko kasi ng negativity.”

Hindi kumbinsido si Direk Han na “nagbibiro” lamang si Simon.

“Sa tingin ko, hindi ako wawarningan nu’ng mga actors kung ‘BIRUAN’ lang ‘yon.

“Totoong nag-sorry siya nu’ng last day (2 days lang ang taping) at sinabi kong ‘NO PROBLEM’.

“Nagpost ako ngayon para lang alam nu’ng mga nagkukuwento sa akin ng attitude ni Simon, na alam ko nang tama sila.”

Sa pagbalik namin kay Simon sa Facebook, ayaw na nitong patulan ang mga pahayag ni Direk Han.

“Hahaba lang ito Mell, ayaw ko na patulan. Stay positive na lang ako,” pahayag ni Simon, na ilang taon na rin sa industriya ng pelikula at telebisyon.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

ADVERTISING