‘Silab’ nina Cloe Barretto, Marco Gomez at Jason Abalos ipapalabas sa Vivamax

Leo Bukas

KASALUKUYANG nasa America ang sexy actress na si Cloe Barreto. Dinalaw niya ang amang merong health condition sa Texas pero  hindi na niya idinetalye pa kung ano ang sakit nito.

Matagal na rin daw niyang na-miss ang ama kaya biglaan ang paglipad niya sa US. Gusto rin ni Cloe na maka-bonding ang ama at iba pang relatives sa Amerika kaya nagdesisyon siyang i-extend pa ang kanyang pag-stay doon.

‘Silab’ nina Cloe Barretto, Marco Gomez at Jason Abalos ipapalabas sa Vivamax
Marco Gomez, Cloe Barreto and Jason Abalos

“Minsan lang naman ako bumisita dito kaya itotodo ko na,” sabi sa amin ni Cloe sa isang video chat. “Pero nami-miss ko na rin ang mga ganap diyan. Na-miss ko na rin magsyuting,” dagdag pa ng dalaga.

Nilinaw rin ni Cloe ang balitang kaya siya nagpunta ng Amerika ay para maghahanap ng ibang trabaho doon at iiwanan na ang pag-aartista. Si Cloe ay ilo-launch sa pelikulang  Silab na ipapalabas sa Vivamax simula July 9, 2021.

“Ang sarap-sarap ng buhay ko diyan sa Pinas, bakit ako aalis diyan? Gustung-gusto ko rin yung ginagawa ko and acting is my passion kaya never ko itong iiwan,” paglilinaw pa niya.

Samantala, sa virtual mediacon para sa Silab ng Viva ay hindi  naman maipaliwanag ni Cloe kung ano ang nararamdaman niya tuwing ikinukumpara siya kay Jaclyn Jose nung kabataan nito. Si Jaclyn ay nagsimula sa mga sexy films noon pero mas napansin ng kritiko ang husay niya bilang aktres kaya hanggang sa ngayon ay nananatili pa rin sa industriya.

‘Silab’ nina Cloe Barretto, Marco Gomez at Jason Abalos ipapalabas sa Vivamax
Cloe Barreto in Silab

“Honestly, sobrang flattered lang po talaga ako every time na  kinu-compare ako sa kanya. Sana po may marating din ako dito sa showbiz,” reaksyon pa niya.

Samantala, kasama ni Cloe sa Silab na mula sa direksyon ni Joel Lamangan sina Marco Gomez, Jason Abalos, Chanda Romero at Lotlot de Leon.

 

Previous articleVLOG WATCH: Buhay Amerika nina Rufa Mae Quinto, LJ Moreno at Jinky Oda!
Next articlePERFECT COMEBACK: Julia Montes, pinupush ng fans na ipalit kay Bea Alonzo sa ‘Kahit Minsan Lang’