SILA PA RIN AT HINDI HIWALAY: Relasyon ni Sharon Cuneta sa asawa, existing pa rin

ADVERTISING

SILA PA RIN AT HINDI HIWALAY: Relasyon ni Sharon Cuneta sa asawa, existing pa rin

SILA PA RIN AT HINDI HIWALAY: Relasyon ni Sharon Cuneta sa asawa, existing pa rin
Sharon Cuneta

PINAGPISTAHAN ng media ang statement ni Sharon Cuneta na nang tanungin tungkol sa estado ng relasyon  nila ng asawa na si Sen. Kiko Pangilinan, walang kaabog-abog ay sinagot niya ang pag-uusisa ng press.

ADVERTISING

“May pinagdadaanan lang. Hindi ba, sometimes, you have to work kapag may pinagdadaanan ka? Personal ‘yan o ano,” pahayag niya last Monday sa presscon ng kanyang Cinemalaya 2017 movie na  Ang Pamilyang Hindi Lumuluha na palabas na sa mga commercial theaters nationwide.

Hindi tinutukoy ni Mega kung ano ang pinagdadaan niya. Sa relasyon kaya nila ng asawa niya na si Sen. Kiko na nood pa ay madaming mga tsismis na may ibang babae ang mister?

Sa mga press people na andun sa pagtitipon, isa ako sa nanibago sa dating very masaya na Sharon Cuneta na humaharaap sa amin but in last Monday afternoon’s event, iisipin mo na may malaking problema ang aktres sa personal niyang buhay na ayaw niyang i-divulge sa media.

ADVERTISING

 Hindi kami nasanay noong hapong yun kay Mega na kahit masama ang pakiramdam, raratsada siya sa Question and Answer portion ng presscon nya.    

Nanibago ang press people. Tila malungkot ang aktres at may iniindang emosyonal at personal na problema. May hinugugot ika nga.

 Aminado si Mega na may pinagdadaanan siyang personal. Tahasang sinabi niya:

“I mean, whatever it is, nagbibigay sa ‘yo ng sakit ng ulo, ke anak ‘yan, ke kamag-anak ‘yan…

“You know, parang it’s just one of those things. One of those days.

“Yung puso ko, parang may sariling opinion,” sabi ng aktres.                      

Sa TV guesting niya last Tuesday sa nightly show ni Kuya Boy Abunda na “Tonight with Boy Abunda” ay may rebelasyon na naman si Mega.

Sinabi ng aktres na “existing” pa rin ang pagsasama nila ng mister.

Nag-elaborate ang aktres: “Last time I slept with him was last night (Monday). Slept, did not do anything,” na ibig itawid na mensahe ni Mega ay hindi sila nag-make-love.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING