SILA NA BA? Joshua Garcia, super kilig ang pa-surprise dinner kay Julia Barretto!

ADVERTISING

SILA NA BA? Joshua Garcia, super kilig ang pa-surprise dinner kay Julia Barretto!

 

SILA NA BA? Joshua Garcia, super kilig ang pa-surprise dinner kay Julia Barretto!
Surprise dinner date of Joshua Garcia and Julia Barretto | Photo grabbed from @immarkcoleta

PAGKATAPOS ng ‘sweet note’ ni Joshua Garcia kay Julia Barretto  nu’ng nasa hospital  ang young actress, may bagong pakilig na naman siyang ginawa.

 
Ang haba talaga ng hair ni Julia dahil may surprise dinner date  si Joshua para  sa kanya na ginanap sa isang  bahay nu’ng Linggo. Kalalabas lang kasi ng hospital ni Julia.
 
Hindi pa raw mag-on ang dalawa pero na ligawan stage na.
 
Sa video na kinunan ng kaibigan ni Joshua na si Mark Coleta ay solid naman ang preparasyon ng young actor dahil  yung sahig ay napapalibutan ng bulaklak na may korteng puso with matching candles. Pati ‘yung dinaanan nila sa labas papunta sa table ay  may mga nakatirik ding kandila.Sinabayan pa ng  tugtog na ‘You’re  Beautiful” ni James Blunt. Makikita talaga ang effort,huh
 

Sinong hindi naman kikiligin dito..sorry po…hehe #thatsmahboy ?????

A post shared by Mark Coleta (@immarkcoleta) on

 

A post shared by Mark Coleta (@immarkcoleta) on

ADVERTISING
 
 
Marami ang kinilig sa mga  netizens, saan daw  makakakita ang isang Josh dahil sobrang sweet.
 
Kakaiba raw ay ginalingan masyado.
 
“Grabe, hindi ko na siya crush, love ko na siya.’
 
“Nag-iisa ka talaga Golden Girl, pinaghandaan talaga ni Choshieee”.
 
-0o0-
 
KASAL NINA RODJUN CRUZ AT DIANNE MEDIA, KINAIINIPAN!
 
SILA NA BA? Joshua Garcia, super kilig ang pa-surprise dinner kay Julia Barretto!
Rodjun Cruz and Dianne Medina

TEN YEARS na ang relasyon nina Rodjun Cruz at Dianne Medina pero hanggang ngayon ay wala pa ring balita kung kailan pakakasal. Kinaiinipan na ang announcement nila.

 
Pero ang  importante sa kanila  ay love nila ang isa’t isa at  may maayos silang relasyon.
 
“Basta  mahal niyo ang bawat isa. Nagkakaintindihan kayo kung ano ang pinag-usapan niyo at kung ano ang pinagsamahan niyo basta nandun kayo sa bawat isa, walang imposible,” bulalas  ni Rodjun sa sikreto ng tagal ng relationship nila.
 
Buti naman at nakakapag-control sila at wala pa silang baby?

“Love ko ‘yung baby ko (Dianne)… wala munang baby hahaha! ” tugon ni Rodjun.
 
Tsika  naman ni Dianne , bilang deboto sa Simbahang Katoliko, pina-practice daw nila ang abstinence as much as possible.
 
Hinanap naman namin kay Dianne kung nasaan na ang ‘engagement ring’   na bigay ni Rodjun?
 
“Ay wala pa po. Hindi pa po. Wala pa pong plano,” mabilis niyang sagot sabay tawa.
Pareho pa  raw  silang nagtatrabahong mabuti at  nag-iipon para sa future. 
 
Pero kung tatanungin siya ni Rodjun, ready naman daw siya anytime na mag-settle down.
“Napag-uusapan naman pero busy siya ngayon sa  mga projects niya sa GMA. ‘Yun muna raw ang focus niya, ‘yung career niya,” sambit pa ni Dianne.
 
Hindi ba siya naiinip kay Rodjun?
 
“Hindi naman po,” pakli niya.
 
“Ano lang Tito, medyo pressured lang kasi given my age , I’m 30. Nagkuwentuhan nga  kami ni Bea (Alonzo) sa “A Love To Last,” sabi  niya, wala pa ba  kasi  I think nakakuwentuhan niya si Rodjun at excited daw siya na ten years na, sabi niya ‘oy ang tagal niyo na’.Sagot ko nga, wala pa nga, wala pa talaga,” kuwento ni Dianne.
 
Saad naman ni Rodjun, wag daw mag-alaala dahil sunod-sunurin daw niya na magkaroon sila ng anak pag ikinasal na sila.
 
Samantala, kinumbida  ang magkasintahan sa launching ng Success Mall. Nakikiisa  raw  sila sa advocacy kung paano kumita ng malaki ang mga netizens. ‘Yung matulungan ang ibang tao na magkaroon ng income na walang ilalabas na  sobrang capital. Magre-refer ka lang nga lang   na mag-shop online sa Success Mall ay  meron kang incentives na matatanggap basta’t naka-register ka sa free account.  Mag-refer  ka through your social networks like Facebook, Instagram and Twitter at nakukuha ang incentives sa ibibigay nilang Success Mall VISA debit card.
 
Magre-refer ba si Dianne sa Success Mall?

“Yes, wala namang problema since businessminded din naman ako,” mabilis niyang tugon.
 
Ang Success Mall ay pinapamahalaan ni John Calub, Philippines’ number one success coach takes on the e-commerce scene by launching a new tech start-up company Success Mall (www.successmall.biz), the country’s first “WORD-OF-MOUSE” shopping community. Ang mga produkto na bibilhin dito ay discounted at free delivery sa loob ng 24 hours pag nag-order.
 
Ang  board of directors  sa Success Mall bukod kay Sir  John ay sina Ms. Sarah Deloraya ,  Claudia Cui (Owners SPD Job Contracting and Consultancy Services),  Attorney Boyet Tabao (Managing Partner of Westwood Law), HeddyTabao (President, Klassic Marketing), Rowena Paragas (President of NYD International Placement Agency) and Michael Maranan (President of We Express Logistics).
 
 Anyway nagsilbing host ang beauty queen  na si Stephany Stefanowitz, Miss Philippines and Miss Earth Air in 2012 sa grand launching  ng  Success Mall  na ginanap sa  PBA Café.   Inilunsad din ang mga candidates ng “Search For Mr. and Ms. Internet 2017” a contest for millennial digital influencers who will eventually become ambassadors of Success Mall.
 
Are you ready to shop, share and earn? Log-on to www.successmall.biz/shopshareearnnow and start your own e-commerce business for free today!

 

‘Yan Tayo,eh!
By Roldan Castro

ADVERTISING