Sikretong relasyon nina Ella Cruz at Julian Trono, inamin na!

ADVERTISING

Sikretong relasyon nina  Ella Cruz at Julian Trono, inamin na!

Sikretong relasyon nina  Ella Cruz at Julian Trono, inamin na!
Julian Trono and Ella Cruz

INAMIN DIN sa wakas nina Ella Cruz at Julian Trono na bida sa pelikula ng Viva Films na Fangirl Fanboy kung ano ang totoong nararamdman nila sa isa’t isa.

Sa simula, panay pa ang tanggi nina Julian at Ella.  Iba rin ang naging reaksyon nila sa tanong kung sa palagay ba nila ay mas okey na may relasyon ang magka-love team.

Tanong kay Julian, hindi ka pa ba in love kay Ella?

“Po?” paiwas na sagot ni Julian hanggang eventually ay sinabi rin na,  “I am always in love.”

ADVERTISING

Pero are you romantically in love with Ella or not yet?

“Are you?” tanong ni Julian sa katabing si Ella na halatang pinipilit iwasan ang tanong.

Pero dahil makulit ang press, bumigay din si Julian.

“Yes, I am!” tumatango niyang pahayag.

Patuloy niya,  “Of course, I have strong feelings for her and having that strong feeling, you try to take good care of it.

“Ang dali lang po kasing, ‘Okey, ito yung nararamdman ko, parehas tayo ng nararamdan, game na, tayo na.’ Pero paano kung mag-fail? Paano kung hindi pa time?”

Alam daw naman ni Ella kung ano ang nararamdaman niya dahil kinausap niya ito about it.

 “Opo. Pero wala pa po sa part ng officially kami na,” sey naman ni Ella.

Eh, bakit ayaw nilang aminin publicly ang kanilang nararamdaman?

“We  both have strong feelings for each other. Right now kasi nagwo-work kami. Yung opportunities patuloy nang patuloy. Ang hirap po kasing unahin ng nararamdman namin ngayon.

“We’re trying to be more responsible and at the same time, darating po kami do’n, eh. Yung opportunities, dumadaan yan, two or three years from now baka mawala.

 “Yung feelings kasi nandito lang yan, eh, as long as magkasama kami, nagkikita kami,” katwiran niya.

Showing na ang Fangirl Fanboy sa Sept. 6.

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING