Sikat na young actress, buntis?!

ITSINIKA SA amin ng isang “ibon” na ang sikat na young actress ngayon ay nasa maselang kalagayan. As in buntis daw, courtesy of her boyfriend na hindi na namin sasabihin kung isang personalidad o isang non-showbiz guy. Basta hindi baog.

Hindi rin muna namin kayo bibigyan ng bonggang clue, dahil ayaw naming “makuryente” sa isyung ito. Siyempre, iniingatan din namin ang kanyang mga endorsements na me morality clause na wa muna dapat preggy habang may kontrata.

Ang tsika lang sa amin, ire-renew dapat ng isang company ang young actress bilang endorser ng kanilang produkto, pero natuwa na rin daw ang company dahil naging honest enough ang young actress na sabihin sa kanilang she cannot do it anymore because she is preggy.

Kung totoo man ito, at least, kahit sikat si aktres, wa siya care kung mawala man lahat ng kanyang karaketan, lalo na ang kanyang career, dahil gusto niya ‘yung nangyari na ‘yon sa kanya.

‘Yan ay kung totoo, ha?

Hintayin na lang natin kung true, ha?

Meanwhile, commercial break muna at panoorin natin ang kanyang alam n’yo na….

(By Ogie Diaz)